Ellora
Tahimik lang ako naka-tayo sa gilid ni Dream habang busy siyang makipag-usap sa kay Danny, siya 'yung secretary ni Dream sa trabaho niya. Ilang taon lang ang agwat ni Dream at ni Danny ang gwapo nga eh, may mga tinatagong pogi pala 'tong si Dream hindi man lang ako pinakilala, at saka nagulat ako 'nang magkaiba ang ugali ni Danny at ni Dream, masayahin si Danny habang si Dream naman ay sobra ang pagiging seryoso.
"I'll leave everything to you but I still need you to update me." rinig ko utos ni Dream kay Danny.
Malaki ang ngiti sumagot si Danny sa kaniya. "Noted, boss."
Paano kaya nakakangiti si Danny sa dami ng utos sa kaniya ni Dream?
"You can also talk to Caden and Eros about the catering."
"Already on it, boss." tumango lang si Dream at marami pa sinabi kay Danny na nakikinig lang.
Napatitig ako kay Danny na nag-nonotes sa atablet na hawak niya. ANg galing nga kasi nakaksunod siya sa sinsabi ni Dream, ang bilis pa naman magsalita ni Dream tapos ang haba haba pa at saka english kung ako siguro 'yan baka dumugo na ilong ko at nasabunutan ko na si Dream.
"About the guests list, I don't want outsiders. I want this party to be saf-- Maria, go to my office." Naalis ang tingin ko kay Danny 'nang bigla akong lingunin ni Dream. Napakunot ang noo ko dahil mukha siyang badtrip. Hala ka? Ano na naman ginawa ko?
Matiim niya akong tinignan alam ko na 'yung tingin na 'yun ibigsabihin 'nun 'wag na ako makipag-away sa kaniya. Inirapan ko siya at tumango na lang pero bago ako umalis ay kinawayan ko muna si Danny at nginitian para mag-paalam. Kawawa ka sa boss mo Danny. Tsk.
"Tss. Upstairs. now." nagmamadali? nagmamadali? sinamaan ko ng tingin si Dream at umakyat na lang ako.
Nakatayo lang ako na-badtrip na siya. Ano gusto niya gawin ko? Mag-tumbling? Akala ko pa naman sa tagal na kasama ko si Dream eh kilala ko na siya pero hindi pala. Daig pa niya ang babae sa pagiging moody baka nireregla siya kaya may amats.
Pabagsak akong humiga sa may sofa, at timitig na lang sa kisame. Wala naman ako magawa dito. Kanina pa kasi madami kausap si Dream, mukhang may party siyang inaayos at katulong niya si Danny,wala nga kami ngayon ginawa na paper works niya basta madami kanina tao at si Danny na lang ang natira.
Party, napa-ngisi ako. Kung dito gagawin ni Dream 'yung party eh may pagkakataon ako makatakas saka hindi naman niya ako mababantayan ng maayos kung madami tao. Kaya lang paano ako mag-papaalam kay Dream na tatatakas ako? Baka magalit 'yun. Pinukpok ko ang noo ko dahil sa kahibangan na naiisip ko.
Obob ka ba Ellora? Tatakas nga eh bakit ka mag-papaalam? saka bakit ako matatakot na magalit sa akin si Dream? Nahahawa na yata ako sa amats nila Dream.
Pero sayang din 'yung chance na 'yun para makatakas. Pag-iisipan ko na lang mabuti bago pa ako may gawin na ikasasama ko.
Nakaidlip siguro ako ng saglit 'nang marinig ko na bumukas 'yung pintuan sa office ni Dream. SInilip ko 'yun at nakita ko na naglalakad na si Dream papasok. Hindi ako nagsalita at hindi din naman siya nagsalita hanggang sa makarating siya sa table niya.
"Badtrip ka pa rin?" hindi ko na natiis itanong sa kaniya.
Tinignan niya ako biglang nagbago ang ekspresyon sa mata niya at bumuntong hininga. "No."
"Ah okay, umuwi na si Danny?" at parang magic ay sinamaan niya na naman ako ng tingin.
"Pinauwi ko na. Why? You have a problem with that?" badtrip na naman niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.