Chapter 31

7 1 0
                                    

Ellora 

Napaka-sarap mabuhay sa mundo lalo na kung mukha ni Dream ang unang-unang makikita ko. Okay na ako, hindi ko na kailangan mag-almusal busog na busog na ako sa mukha ni Dream! 

"Hihihihi." mahina ko tawa at pinagmasdan lalo ang mukha ni Dream. 

Tulog, gising, galit, masungit or seryoso ang gwapo pa rin niya. Siya na yata ang favorite ng kataas taasan dahil pina-gwapo talaga ang pagkagawa sa kaniya. Ano pa nga ba aasahan ko e ang gwapo at ganda ng magulang niya. Very  right talaga ang desisyon ng magulang mo na hindi mag-condom. 

"Stop smiling like crazy, Maria." nahiya ako kaagad dahil biglansg nagsalita si Dream kahit naka-pikit pa siya. 

"Grabe, crazy talaga?" pagkatapos ko siyang purihin sa isip ko ito lang ang kapalit. Napaka-unfair naman neto. 

Mag-tatampo pa sana ako pero umurong iyon dahil hinila ako ni Dream para mas lalo niya ako mayakap ng mahigpit. Shems! Hindi man lang siya amoy panis na laway, fresh na fresh pa din! Yummy! 

"Okay, that's enough. Stop smelling me, Maria baka hindi tayo lumabas ng kwarto mag-hapon." pang-aasar niya sa akin at nilayo na ako sa kaniya. 

Ano ba 'yan! Sayang! 

"Stop pouting, nasa labas ang mga kapatid mo we need to get out now." saway niya sa akin at tumayo na siya at dumiretso sa cr ng kwarto ko. 

Habang ako naman ay tinupi ko na ang pinag-higaan namin. Hindi naman nagtagal si Dream sa CR ay lumabas na siya kaya ako naman ang pumasok para maghilamos na din. Nag-susuklay ako ng buhok na lumabas ako sa CR at pinanood si Dream na ayusin ang dress hirt na suot niya, medyo nalukot dahil iyon ang pinantulog niya. 

"Dapat magdala ka na ng ibang damit mo dito." sabi ko sa kaniya, paano ba naman parang hindi kumportable matulog na ganoon ang suot. 

"Can I?" tanong niya habang may ngiti sa labi. Kunwari pa to nagtatanong e gusto din niya. Pakipot pa. 

"Oo naman, why not?" Naglakad siya palapit sa akin at inagaw ang suklay na hawak ko at siya na ang nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok ko. Pinasok pa niya ako sa banyo at hinarap sa salamin. 

"Marunong ka mag-pusod ng buhok?" tanong ko sa kaniya, kahit ang laki ng kamay niya ay dahan dahan niyang sinusklay ang buhok ko na puro sabit dahil sa pagkakahiga. 

In fairness may future siya sa salon ah. 

"Yeah, I need to learn for my sister." sagot niya habang naka-focus sa buhok ko. Iniipon niya na ito para i-pusod. 

"Wow, ang sweet mo naman pala kuya." puri ko sa kaniya. 

"Yeah, that's why I hate your brother when he hurt you." kaya naman pala, may pinaghuhugutan si Dream. 

"Ganoon talaga mag-away ang mga poorita, murahan at sakitan hindi katulad niyong mayayaman na siguro nag-eenglishan lang kayo sa isa't isa at nag-wawalkout." pang-aasar ko sa kaniya. 

Tnitigan ko ang repleksyon niya sa salamin at hindi ko mapigilan na maalala ang pinag-usapan namin kagabi. Kahit gaano kami ka-pagod kagabi ay hindi niya hinayaan na matulog kami kaagad dahil alam ko na gusto pa niya na mag-usap at magka-ayos kami. Hindi man kami nag-away ng malala pero ang hindi ko pagka-usap sa kaniya at paglilihim ay alam ko na na-apektuhan siya ng sobra. 

"Do you want me to lock you up, Maria?" bungad na sabi sa akin ni Dream pagkapasok namin sa kwarto. Kaka-lock ko lang ng pintuan para masiguro na hindi papasok si kuya Jepoy. 

Hindi ako umalis sa pintuan at nanatili ako naka-sandal doon habang nakatingin kay Dream, pinanood ko siya hubarin ang coat niya at buksan ang ilang butones ng suot niyang panloob. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon