Ellora
Parang may sariling isip ang paa ko at kusa itong gumalaw para tumakbo palayo kay Dream. Hindi ko siya nilingon, natatakot ako na baka kapag nagtama ang tingin namin ay bigla na lang ako mapa-atras. Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang makaalis sa puder ni Dream, ang makabalik sa kapatid ko at sa sarili kong buhay.
Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo, tama nga si Dream walang mga guards sa buong mansion, walang nagtangkang pumigil sa akin. Dumiretso ako kaagad sa kwarto ko. Wala na doon si Alexa pero nakita ko na maayos na ang mga gamit ko.
Wala akong damit na dala dito pero mukhang pinamili ako ni Dream, meron din dito 'yung ibang mga dress na sigurado ako kay Alexa galing. Hinubad ko muna ang dress na suot ko at pinusod ang nakalugay kong buhok, muntik pa ako umiyak 'nang makita ko sa tabi ng bag ko ay nandoon ang mga takeout na pagkain na pinangako sa akin Dream.
'I'm letting you go, Maria.'
Natawa ako mag-isa, sabi niya kanina bago ang party 'wag daw ako hihiwalay sa kaniya, hindi daw pwede na maalis ako sa paningin niya pero ngayon ito ako nagmamadaliing maka-alis.
Tinignan ko muli ang kabuoan ng kwarto ko. Dito lang ako nakatulog ng mahimbing. Ma-mimiss ko 'yung malambot kong unan at ang kumportable kama na meron ako. Didiretso sana ako palabas pero naalala ko ang cellphone na ninakaw ko at ang opisina ni Dream na walang tao, nandoon ang laptop niya magagamit ko iyon.
Noon ay tinuruan niya ako gamitin 'yung laptop para daw kapag gusto ko laruin ang laptop niya ay magamit ko. Pinunasan ko agad ang luha na ahulog mula sa mata ko habang hinahack 'yung iphone na nanakaw ko. Saglit ko lang iyon nagawa kasi madali lang naman at hindi naman masyado komplikado 'yung phone.
Hindi ko nilibot ang paningin ko habang naglalakd palabas ng mansion, sa sobrang katahimikan ay hindi ako magtataka na magiging maayos ang pagtakas ko. Talagang pinadali ni Dream ang pag-alis ko sa pader niya, naguguluhan ako kung bakit niya 'yun ginawa hindi ko inasahan na basta basta niya na lang ako palalayain.
Hinanda ko na ang sarili ko na makakasama ko siya ng matagal, halos gabi gabi ako nagpa-plano kung paano ako makakatakas pero ganitong kadali lang pala ang lahat.
Dapat maging masaya ako, pero parang hindi, parang may pumipigil sa akin.
'Nang nasa harapan ko na ang malaking gate ng mansion ay may kotse na nag-aabang sa akin, lumabas 'yung driver at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng malaking gate. Pinagbuksan niya ako ng pinto nakatingin lang ako doon, pinag-iisipan ko mabuti kung sasakay ba ako o hindi.
Iniisip ko si Japoy, gusto ko na siya makita, gusto siya kamustahin. Sila Asyong, Carding at Conchita gusto ko malaman kung tuloy tuloy ang raket namin.SI Kuya Jepoy kahit siraulo 'yun gusto ko malaman kung inaalagaan ba niya si Japoy habang wala ako.
'Yung mga siraulo at tambay namin na kapitbahay kahit laging lasing at maiingay ang mga 'yun maasahasn din naman sila sa kalokohan, 'yung bahay at lugar namin na mabaho at laging maingay. Hindi katulad dito kela Dream na tahimik at laging maayos, wala kahit anong gulo, pwera na lang kapag dumating na sila Alexa.
Si Alexa na araw araw may baon na kwento sa akin kahit hindi ko kilala ay kinekwento niya, pati mga kaartehan niya sa buhay sa akin niya sinasabi.
SI Lucio na kahit bastos ang bunganga nkakatuwa kapag nandito siya sa mansion lagi niya ako pinapatawa. SIla Eros at Caden na hindi ako o kami hinayaan magutom, Si Felix na parang naglalakd na mercury drug laging may baon na gamot. Si Craige na sobrang tahimik pero parang kuya ko na siya. Si Celestine hindi ko mamimiss pero atleast meron ako nagkabardagulan dito at hindi ako nabored masyado.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.