Ellora"Jan Andrei nga po pala pero tawagan niyo na lang po ako Japoy." Pagpapakilala ni Japoy kela Dream.
Alas-sais na at katatapos lang ng graduatin, nandito pa kami sa may covered court may mga estudyante pa rin dito at mga nag-pipicture taking na. Agad na lumapit sa akin si Japoy pagkatpos na pagkatapos ng ceremony at nagpa-kilala sa mga kasama ko.
"Ate, saan mo ba nakilala ang mga 'yan? Mga alta ah." bulong niya sa akin.
"Sa trabaho?"
Pinaningkitan niya ako ng tingin, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. Tumikhim ako. "Sa trabaho." mas sure ko sagot.
"Sigurado ka ba? Parang imposible na maging kaibigan mo ang mga 'to e 'di ba nga galit ka sa mga mayayaman?" umiwas ako ng tingin sa kaniya. Isa pa pala 'to matalas.
Napatingin ako kay Dream na tahimik lang nakatayo sa gilid ko medyo may kalayuan siya sa akin mukhang binibigyan ako ng space para sa amin ng kapatid ko, habang ang mga alipores naman niya ay titig na titig sa kapatid ko at mukhang gusto lapitan.
"Nagbago na ako." tipid ko sagot.
"Weh?" pinigilan ko ang sarili ni batukan si Japoy, ang kulit kulit talaga nito. "Sabihin mo sa akin kung kailangan kita i-takbo palayo sa kanila."
Umandar na naman ang pagiging protective niya, napangiti ako at tumingkayad ako para guluhin ang buhok niya. Na-miss ko talaga siya.
"Wow! Ang tapang naman ni bunso. I-tatakbo mo ko?" pang-aasar ko sa kaniya.
"Ate ano ba? Sayang ang gel ko!" nakanguso niyang sabi.
Inakbayan ko na siya at naglakad kami palapit sa mga alipores ni Dream, ipapakilala ko na lang siya ulit sa kanila halata kasi nahihiya ang mga ito sa isa't isa.
"Japoy mga ahh....kaibigan ko pala, nakilala ko sa trabaho." turo ko kela Alexa. Isa isa ko sila pinakilala kay Japoy natuwa pa nga ako dahil namumula ang mukha ni Japoy imbis kasi makipag-kamay sila Alexa sa kaniya ay niyakap nila ito isa isa.
"You're so handsome!" puri sa kaniya ni Alexa, napakamot sa likod ng ulo niya si Japoy halatang nahihiya.
"Syempre mana sa ate!" singit ko sa kanila.
"Congratulations in graduating, Japoy." pormal na sabi ni Craige sa kaniya.
"Ay salamat po...sir, ma'am."
"Oh no, don't call me 'ma'am' call me ate instead!"pagtatama agad ni Alexa kay Japoy.
"Yeah, call me 'kuya'." segunda ni Craige.
"Oo nga, kaibigan kami ng ate mo kaya huwag ka mahihiya sa amin!" inakbayan naman ni Lucio ang kapatid ko. "Turuan kita mang-chicks gusto mo?" agad ko tinulak si Lucio palayo sa kapatid ko.
"Hoy! Huwag mo hawaan ng kalandian mo si Japoy!" at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na talaga siya nag-tino.
"Sigurado ka ba kapatid ka ni Ellora? Bakit ang bait mo?" napalingon ako kay Felix dahil sa sinabi niya. Ano sabi niya? May pag-atake ha.
"Yeah, you look descent not like your sister," pambabash sa akin ni Celestine, hindi na ako nagulat sa sinabi niya number one hater ko 'yan eh.
"Do you like eating? What's your favorite food?" lumapit na din si Eros kay Japoy.
"Malakas ka ba kumain? Hindi ka naman siguro mabilis mabusog kasi si Ellora patay gutom 'yan eh." Caden.
Isa isa ko sila sinamaan ng tingin. Ano ba mga pinagsasabi nito?! Mas gusto ba nila si Japoy kaysa sa akin?! lumapit ako sa kanila at pumagitna. Hindi na kasi alam ni Japoy kung sino ang uunahin sagutin.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.