Chapter 20

11 0 1
                                    


Ellora 

Noong bata ako iniiwasan ko maging masyado masaya kasi ang lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan. Natuto na ako sa mga pinag-daanan ko sa buhay, mas sanay ako sa hirap kaysa sa ginhawa kaya lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay may parte sa puso ko na isa lang ito panaginip. 

"Anong oras nga ulit ang graduation ceremony?" tanong ko kay Japoy. 

"Alas-tres pa ate," sagot niya mula sa kabilang linya. "Makakapunta ka ba?" 

Hindi ako kaagad nakasagot. Next week na 'yun at hanggang ngayon wala pa rin ako ideya kung mag-papaalam ba ako kay Dream o tatakas ako, pero kung tatakas naman ako. Paano? 

Naalala ko kasi noon ng bigyan niya ako ng pagkakataon umalis pero hindi ko ginawa, pinangako niya sa akin na hindi na ako makaka-alis sa tabi niya at ako din naman parang hindi pa ako kaya ng wala siya, pero kasi....si Japoy 'to pinag-uusapan. 

"Okay lang naman ate kung hindi ka papayagan ng amo mo, pero tatawag na lang ako para marinig mo mga awards ko, okay lang ba?" napansin yata ni Japoy ang pagdadalawang isip ko. 

Ano ka ba Ellora?! Bakit ba nag-dadalawang isip ka pa? Syempre dapat unahin ko si Japoy kesa sa ka-landian ko. 

"Pupunta ako syempre! Pero baka ma-late lang ako pero promise pupunta ako Japoy!" bahala na si batman, kahit akyatin ko ang mataas nilang pader gagawin ko. 

"Pero baka hindi ka payagan." 

"Papayagan ako, saka ako ang mag-sasabit ng mga medalya mo, asa ka naman kay kuya Jepoy." nakakainis, dapat kahit ganitong okasyon eh may kusa 'yung si kuya Jepoy pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pala siya umuuwi sa bahay. 

"Sigurado ka ate?" napansin ko sa boses ni japoy na para ba'ng nahihiya siya. Napaka-bait talaga ng kapatid ko. 

"Shore na shore, saka kailan ba ako nangako sayo na hindi ko tinupad?" hamon na tanong ko sa kaniya. 

"Wala pa ate," 

Nangako ako sa kaniya na pagtatapusin ko siya ng highschool at natupad ko iyon, nangako din ako sa kaniya na mabibili ko siya ng bagong sapatos, hindi 'man ako ang bumili 'nun pero naka-kuha naman ako ng pera para doon. 

"Kaya huwag ka na mag-alala, hindi ko hahayaan na mag-isa ka lang ga-graduate!" 

Marami pa kami pinag-usapan ni Japoy. Nabalita niya sa akin na madami pa daw 'yung pera na naiwan nila Conchita sa kaniya, hindi naman ako natatakot na maubos niya 'yun dahil matipid naman siya kaya sinabihan ko siya na bumili ng damit para sa graduation niya.

"Hindi ko na din pala nakikita sila ate Conchita dito sa lugar natin, ate?" nabanggit niya sa akin bigla.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Gaano katagal na?" sa dinami ng na nakaw ko dito kela Dream sigurado ako ay madami pa ako porsyento doon kung ma-bebenta nila ang mga alahas. 

"Mag-dadalawang buwan na." 

Lalo naman ako nagtaka. Dalawang buwan na? Ang tagal na 'nun ah. Paano ang mga pamilya nila? 

"Ang usap-usapan dito sa atin baka napahamak na sa pag-ssnatch." pagpapatuloy ni Japoy. "Mabuti na lang ate nan diyan ka kasi kung hindi baka nadamay ka sa kanila." 

Hindi ka-close ni Japoy sila Conchita hindi pa kasi siya masaya na minsan ay napapahamak kami sa mga 'raket' namin lalo na kapag kasama namin si Asyong siya kasi ang pinakamdaming 'raket' na alam kami mga simpleng pag-ssnatch lang kapag si Asyong minsan nagiging akyat bahay siya at nag-hoholdup pa siya kapag ganoon ay hindi ako sumasama kasi masyado mapanganib at ayoko naman na may nasasaktan na ibang tao. 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon