Chapter 14

13 0 0
                                        

Ellora

Nakatayo lang ako sa gitna ng kaguluhan, hindi ko alam kung saan ako pupunta o sasama, ang daming tao parang nasa palengke ako at hindi mapakali ang mga kasama ko. Nag-aaway sila Alexa at Dream, si Lucio naman nagpapa-pogi sa cellphone habang 'yung ibang lalaki ay halos pumagitna na kela Alexa at Dream, ramdam ko din na masam ang tingin sa akin ni Celestine. 

Oo, si Celestine, nag-babalik na siya. Tapos na daw kasi 'yung suspension niya, pero hindi pa rin siya pwede lumapit sa akin at baka ma-expel na siya ni Dream, at sa kasalukuyan lagay ni Alexa ay baka siya na ang sumunod. Kung lalaki lang si Alexa ay sure ako nasuntok na 'to ni Dream. 

"This is too short! What the fuck, Alexa?!" singhal ni Dream sa kaniya habang masama ang tingin sa manekin kung saan nakasuot ang dres na susuotin ko sa party. 

"It's not! That's the normal lenght of a dress! Hindi katulad ng sinend mo sa akin na nagmumukha ng madre si Ellora!" 

Alam ko na leader nila ALexa si Dream at kita ko naman sa kanila kung gaano kalaki ang respeto nila sa kaniya pero ngayon sinisigaw sigawan ni Alexa si Dream na parang wala lang at walang halong takot. 

"No. I don't like that! She's not wearing that!" ayaw magpatalo ni Dream. 

"So what?! Do you want her to go naked in the party?!" akala ko wala na isasama ng tingin si Dream pero mas lalo umitim ang aura niya sa sinabi ni Alexa. 

Nakakatakot, jusko po. 

"Absolutely not!" at nagsimula na naman sila magbatuhan ng salita. 

Tinignan ko 'yung dress na susuotin ko daw dapat. Hindi naman siya ganoon kaikli, basta above the knee siya tapos off shoulder at may mga design na butterfly sa paligid ng dress. Maganda siya pero hindi ko lang sure kung kakasya sa akin at babagay  iyon sa akin. 

"Let's just cancel this party!" 

Hindi lang ako ang napatingin kay Dream kung 'di lahat kami. Hindi kami makapaniwala. Anong cancel? Hala ka ang hassle naman 'nun eh nandito na 'yung ibang bisita niya at saka sayang ang epra at pagod na ginastos niya. 

"What?! Are you crazy?! Just because of a dress?!" Hindi makapaniwala na sigaw ni Alexa.

"We can't do that, Supremo. Magagalit ang parents mo." Sabi ni Craige. 

"This all a joke. Im outta of here." Sabay alis ni Celestine, wala man lang pumigil sa kaniya. \

Akala ko ay matitinag siya sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya pero wala, mukhang buo na ang desisyon niya at dahil lang 'yun sa dress. Maitim na aura pa rin ang bumabalot sa kaniya at hindi namin alam kung paano siya papakalmahin. 

"A little help here, Ellora." Baling sa akin ni Alexa na parang pagod na pagod na. Kawawa naman siya baka ma-haggard na siya. 

Umiling ako ng paulit ulit, nakakatakot kaya si Dream ngayon, baka ma-jombagan ako nito lalo na at damit ko ang dahilan kung bakit siya galit. Nagpaawa pa lalo si ALexa at sumunod din sila Felix at Lucio, sayang daw eka ang pampa-pogi nila kung hindi makikita ng mga girls sa party. 

Napabuntong hininga ako wala akong choice, kailangan ko harapin si Dream. Kapag ako na-jombag nito jojombagin ko din siya pabalik. Huminga ako ng malalim bago naglakad papalapit sa umuusok na galit na si Dream. 

"Dream," 

"What?!" Napatalon ako sa gulat sa sigaw niya pero 'nang makita ako iyon ay kumalma siya ng konti. "Sorry." 

Lumunok muna ako bago magsalita ulit." Susuotin ko 'yung damit. Maganda naman saka hindi naman masyado maik--" SInamaan niya ako ng tingin. Hala ka. "Maikli pala siya pero keribles ko, maganda naman legs ko. Wala naman peklat." 

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon