Ellora
Naka-upo ako sa kama ko habang naka-krus ang dalawang kamay sa dibdib, naka-taas ang kilay ko sa walong taong nasa harapan ko. Huwaw naman I feel so special at kumpleto silang lahat sa harapan ko.
Talagang nag-tipon pa sila ngayon. Hindi naman masyadong nakaka-pressure.
"Ano na naman ba kailangan niyo?" Irita kong sabi. Kahit walo pa sila hindi ako magpapatalo.
"I need your answer, Ellora."
"Pass!"
Napa-iling sila sa sagot ko, si Celestine inirapan ako habang si Damon mukhang inaasahan na ang isasagot ko.
"Paano 'yan supremo? Isang linggo lang binigay sayo ni tita Mira para ikulong 'yan dito." Rinig kong sabi ni Lucio kay Dream kaya napangiti ako.
So, wala silang choice kung 'si palayain na ako?
"I'll talk to dad." Sagot naman ni Dream.
"As if tito Damon can help you. Under 'yun kay tita Mira." Singit ni Celestine. "Just kill her alreaady or throw her away."
Epal na naman si Celestine kaya pinakyuhan ko siya. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero gumanti siya ng pakyu din.
"Stop fighting." Saway ni Dream sa amin.
Tinitigan ako ni Dream at ganoon din ako, hindi ako magpapatalo. Hanggang sa bigla siyang lumapit sa akin, as in sobrang lapit na halos magkadikit na ang tuhod namin. Napalunok ako at napahigit ng hininga dahil hindi ko inaasahan ang gagawin niya.
Ano ba 'to? 'Bat sobrang lapit naman! Hindi ako prepared saka ang lapit talaga!
Hinihintay ko ang susunod niyang gagawin. Sasakalin ba niya ako? Susuntukin? Babarilin? sasaksakin? Napapikit ako 'nang biglang gumalawa ang kamay niya, ayan na ready na ako mamata---
"What the hell?"
"Omg Dream! don't touch her! she's dirty!"
"Naks, da moves."
"Ako din buhat!"
Ba-Bakit ako lumilipad?!
"H-hoy! ano 'to?! Bakit mko buhat?! ibaba mo ko hoy! at saka hoy Celestine! Hindi ako dirty! Naligo ako!" Baling ko kay Celestine bago kay Dream na ngayon kaharap ko ang malapad niyang likod.
infairness ang bango niya pero--
"Ibaba mo ko!! Saan mo ko dadalhin?!" SIgaw ko.
Nakasabit lang naman ako sa balikat noya at parang wala lang ako na buhat niya. Grave tropa, ganoon siya kalakas! Naramdaman ko na naglakad na siya kaya mas lalo ako nataranta. Agad naman sumunod ang mga alipores niya na nakangisi habang nakatitig sa akin.
Grabe! Tuwang tuwa sila sa kalagayan ko.
"Ibaba mo sabi ako!" sinubukan kong maglaban pero ang higpit na pagkahawak niya sa bewang ko!
"If I were you I'll stay still or you'll fall." Sabi ni Dream.
"Ibaba mo ako!" Hindi ako nakinig sa kaniya.
Nakaka-asiwa naman 'to! Hindi ako sanay na may humahawak sa akin. Bumaling ako sa likod at nakita ko si Lucio na tuwang tuwa sa nakikita, dahil mainit ang ulo ko sa kaniya ko nabunton.
"Masaya ka?!" Irita kong sabi.
"Ang cute mo, mukha kang sako." Pang-aasar niya.
"Bwisit ka! Lalaking mukhang condom!" Balik na asar ko, kaya napa-simangot siya habang si Alexandria ay nag-thumbs up sa akin.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.