Chapter 12

15 0 0
                                    


Ellora 

Patapos na ako mag-ayos ng sarili 'nang may narinig akong katok mula sa pintuan. Tiningnan ko ang orasan ko at nagtaka ako. Ang aga naman kumakatok ni Dream eh mag-aalas-otso pa lang. Nagmadali tuloy ako i-pusod ang buhok ko. 

Pagkabukas ko ng pinto ay imbis na mukha ni Dream ang sumalubong sa akin ay anim na mukha ang nasa harapan ko. Sila Alexa, Lucio, Craige, Caden, Eros at si Felix, Wala si Celestine kasi ang balita ko ay bawal daw siya pumunta sa mansyon. Parusa daw ni Dream sa ginawa sakin. 

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila. ang weird nakangiti silang lahat. 

"Good morning to you too, Ellora." Masayang bati sa akin ni Alexa sabay pakita ng isang papel sa akin. "Love letter." nakangisi niyang sabi. 

Nagdadalawang isip pa ako kunin 'yun pero kinuha ko pa rin kasi chismosa ako. Pagkabuklat ko ay galing pala iyon kay Dream. 

'I went out for work, I'll be back soon, Maria. You can take a day off and please behave.'  -Dream. 

Tinuklip ko ulit 'yung papel , tinignan ko 'yung anim na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa akin. Masama ang kutob ko sa ngiti na 'yan ah. 

"Wala naman pala si Dream, kaya matutulog na lang ulit ako. Sige, bye." Isasarado ko na sana 'yung pintuan ng kwarto ko 'nang bigla itong harangin nila Lucio at Craige. 

"Hey! Dream is not here and he put us in charge to take care of you today!" Excited na balita sa akin Alexa. 

"Hindi ko kailangan ng bantay, dito lang naman ako sa kwarto." Pag-tanggi ko sa kaniya. Akmang isasara ko ulit pero nakaharang pa rin sila Lucio. 

Jusko, hindi na natuloy 'yung day off na sinasabi ni Dream! Gusto kong mapag-isa. 

"Don't be like that, Ellora! Let's hang out and get to know each other!" nagpa-cute pa sa akin si Alexa at sumang-ayonm naman'yung mga lalaki sa likod niya.

"Kilala ko na kayo." Pambabara ko sa kaniya.

"You're so funny talaga! Tapos tinawanan ako. 

May amats yata 'tong magkakaibigan na 'to gingawa talaga akong clown. 

"Yeah, ano ba gagawin mo sa kwarto mo?" Tanong sa akin ni Lucio. 

"Wala kang pake." pag-susungit ko imbis na mainis ay natawa lang din. 

"Ang aga mong badtrip ah, dahil ba wala si supremo?" sinamaan ko ng tingin si Felix. 

Wala na ako nagawa kung 'di patulan sila. Bumuntong hininga ako at buinuksan ulit ang pintuan ko. 

"Ano ba gagawin natin ah?" Tanong ko kay Alexa. 

"Let's bond!" Sabi ni Lucio. 

"Ano naman gagawin natin? Pwede ba ako lumbas?" sunod sunod silang umiling. 

"Hindi pwede wala si Supremo." Sagot ni Eros.

"Oo nga baka patayin kami 'nun." Dagdag ng kapatid niyang si Caden. 

"Oh 'yun naman pala eh. Paano 'yan?" hamon ko pa sa kanila. Si Dream naman kasi as if naman makakatakas pa ako dito kahit wala siya, ang dami kaya niyang baodyguard sa paligid. 

"We can swim!  They have a very big swimming pool here!" Masayang sabi sa akin ni ALexa.

"Hindi ako marunong lumangoy." nawala kaagad ang ngiti niya. 

"Okay wag na 'yun. 'di safe." Lucio.

"Baka tayo lunurin ni supremo niyan." Felix. 

"Isip ka na alng ulit ng bago, Alexa." Caden.

The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon