Ellora
"Kuya Jepoy, Dito na kami!" tawag ko kay kuya pagdating namin sa luma namin na bahay, nag-aya kasi si Japoy na dalawin si kuya dahil wala siyang magawa sa bahay, mamaya pa naman ang pasok ko kaya sinamahan ko na siya.
May dala kaming pagkain, Jollibee nag-crave daw kasi ulit si Japoy kaya ito ang napili niyang dalin kay kuya. Lumabas si kuya Jepoy mula sa dati namin kwarto, akala ko nga ay lasing ko siya makikita pero mabuti na lang at tinutupad niya ang pangako niya sa amin na magbabagong buhay na siya.
"Bakit hindi kayo nagsabi na pupunta kayo? Wala pa ako sinaing na kanina, kakauwi ko lang galing palengke nag-kargador ako doon." sabi niya at lumapit kay Japoy para akbayan.
"Kargador? May trabaho ka na?" tanong ko sa kaniya habang nilalabas na ang pagkain na dali namin.
"Oo, maliit ang kita pero ayos na para may kini-kita ako kahit papaano." lumapit siya at agad niya naamoy ang pagkain na dala namin. "Ayos yan ah."
Mabuti naman at may trabaho na siya, nag-iwan kami ng pera sa kaniya at ang sahod ko ay hinahati ko sa kaniya para kahit papaano ay may pambili siya ng pagkain niya.
"Baka naman umiinom ka na naman ah, mahuli lang talaga kita kuya Jepoy, sasapakin kita." paalala ko sa kaniya, alam ko naman na hindi madaling iwanan ang bisyo kaya eto ako lagi siya pinapaalahanan.
"Kaya nga ako nagta-trabaho para maging abala ako." umupo na silang dalawa sa lamesa namin at nagsimula na kaming kumain.
Syempre dahil Jollibee na naman ang pagkain ay galit galit muna ulit kami, tapos si Japoy pinipilit pa kumbinisihin si kuya na kapag weekends ay sa amin siya mag-stay. Alam ko kasi na-mimiss ni Japoy ang bonding nila ni kuya kahit naman kasama ako ni Japoy iba pa rin kapag kuya ang kasama niya lalo na at pareho silang lalaki.
"Kamusta ka naman dito kuya? Pwede pa magbago ang isip mo na sa apartment tumira." sabi ko sa kaniya.
Hindi pa rin kasi panatag ang loob ko na mag-isa siya dito lalo na andaming demonyo dito, mamaya e matukso pa siya ng mga dati niyang ka-inuman.
"Ayos nga lang ako dito, pero sige kapag nag-bago isip ko sasabihan ko kayo."
Tapos na ako kumain at hinintay ko na lang sila matapos sila, as usual naubos namin ang pagakin sanay din naman kami na hindi magsayang ng mga pagkain. May pa-sobra ako binili at nilagay ko sa ref ni kuya para may i-uulam na siya agad kapag tinamad siya magluto.
"Ellora," tawag sa akin ni kuya habang nagtatabi ako sa kusina namin, si japoy ay nasa labas bibisitahin daw ang dati niyang mga kaklase.
"Oh?"
"May balita ka ba sa mga kaibigan mo dati?" tanong niya sa akin.
"Sila Carding ba? Wala nga e, ang sabi ni Japoy wala na daw silang tatlo dito." sagot ko sa kaniya. Kapag din na-dadaanan ko ang mga bahay nila ay wala na ang pamilya nila doon.
Ano kaya nangyari sa mga 'yun?
"Akala ko ba kaibigan mo mga 'yun bakit wala ka balita?" sumandal siya sa lababo at seryosong nakatingin sa kawalan.
"Oo, pero hindi kami nanghihimasok sa sari-sarili namin buhay saka kaya lang naman kami nag-sasama dahil sa raket namin."
Iyon lang naman ang koneksyon namin sa isa't isa, pare-pareho kaming walang pera at mahirap magnakaw ng mag-isa lang back up namin ang isa't isa pero hindi din naman ibigsabihin 'nun ay wala na ako pakialam sa kanila. Nag-aalala ako, oo pero buhay nila 'yun bahala na sila kung anong gusto nilang gawin.
"Akala ko talaga ka-close mo ang mga 'yun," sabi niya. "Lalo na si Carding."
"Si Carding? Slight siguro? Kasi parang siya ang lider namin sa mga raket." sa kaniya galing ang mga raket namin pero siya ang pinaka-eksperto sa pagnanakaw, wala yata siyang tinatanggihan na raket at marami din siyang ibang ka-grupo.

BINABASA MO ANG
The Dreamer
RomanceMaria Ellora Angeles, wants to have it all. Money, power and freedom.her dream is to live a life that she deserves and she would do everything to have it, even if it's the wrong way.