"Loves!/Naoki!" -Shaun at Koji.
Balak ko sanang bigyan ng warning si Mayumi, kaso biglang dumating si Shaun kasabay pa nito si Koji.
"Ang sarap ng usapan natin ah." Sabi ni Shaun sabay akbay sakin.
"Girl talk, off limits ka." Masungit na sabi ni Mayumi kay Shaun.
"Loves, mukhang hindi boto ang bestfriend mo satin ah. Future sister-in-law ko pa naman sana siya." Sana? Bakit sana?
"Hmp!" At sabay alis ni Mayumi. Hindi niya talaga kayang magtagal na kasama si Shaun.
"Eh ikaw? May kailangan ka ba sa girlfriend ko?" Tanong ni Shaun kay Koji.
"Oo, kakausapin ko lang siya." -Koji.
"Kung ano man ang sasabihin mo, pwede mo ng sabihin ngayon, dahil malalaman at malalaman ko rin yan." -Shaun.
"There's no point on telling you. Maybe I can tell her later." At umalis na rin si Koji.
*SIGH*
Wala talagang nagtatagal kasama si Shaun. Hindi nila tinatago na ayaw nila sa kanya.
————
Exactly 3 weeks, after ng mga nangyari, medyo nasasanay na ako na kasama ko siya, ang totoo niyan, may mga nalaman na din ako about sa kanya, through observation.
3 weeks na pala, pero hindi ko pa rin alam kung na saan si Shin, at sa 3 weeks na 'to, mapapansin mong nagkakalabuan si Mayumi at ang pekeng Shin. Dahil yun talaga ang plano ni Shaun.
"Loves, date tayo bukas." -Shaun.
"May gagawin ako, pwede next time?"
╯ω╰ - Shaun
Number 1. Sa loob ng 3 weeks, napansin kong marunong din pala magpout si Shaun kapag tinatanggihan ko siya. At puppy eyes kapag pinipilit niya ako.
Number 2. May pagkaisip bata siya. Nung isang bes na nagdate kami, dinala niya lang ako sa isang playground at dun kami naglaro tapos nagpicnic.
Number 3. Kapag kaming dalawa lang ang magkasama, super daldal niya, totoo ang tawa at ngiti niya. Pero kapag nasa classroom kami o nasa ibang lugar, the usual Shaun lang ang makikita mo. Totoo siya sa akin kapag kaming dalawa lang.
Number 4. Hindi siya kumakain ng talong at ampalaya. Kahapon ko lang nalaman, pinagluto ko siya ng tortang talong at ginisang ampalaya na favorite ni Mommy, pero pinamigay niya lang.
Number 5. Mahilig siya sa music at magaling siya sumayaw. Super talented siya. Mahilig rin siya sa bata. Pero takot sa multo.
Number 6. Mahal na mahal niya si Shin, yung mga gamit nila nung bata sila, lahat yun nakatago at makikita mong iningatan niya talaga.
Number 7. Caring siya. Kahit na alam niyang napilitan lang ako sa pagsagot sa kanya, hindi niya nakakalimutan na alagaan ako. Paano kung masanay na talaga ako?
Number 8. Marunong siya magsorry. Sincere na sorry. Nagulat na lang ako nung isang araw na may exam kami, sabi ko mag-aral siya pero hindi pa rin siya nag-aral, nangako kasi ako na magdedate kami after ng exam, ayun, sa sobrang excited niya mas inuna niya pang asikasuhin yung date, kaya bumagsak siya, tapos maghapon ko siyang hindi pinansin kaya maghapon niya din akong sinuyo. Remember? Totoo siya kapag kaming dalawa lang, kaya natuloy pa rin ang date namin. Naawa lang ako.
Number 9. Huwag mo siyang iiwan mag-isa. Dahil yun ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang iniiwan siya. Nung isang araw na nagbiro siya, yung araw na may sakit siya at medyo nainis ako dahil sa lahat ng pwede niyang pagtripan ako pa? Meron kasi ako nun, sabi niya may dengue siya, trangkaso lang pala. Sabi ko ayoko na siyang makita, sabi ko iiwan ko na siya. Lumabas na ako ng kwarto niya nun. Pero hindi naman talaga ako aalis, papasok din naman ako. Nasa pinto ako nun, narinig ko siya, umiiyak.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...