SUSHI
Eyebags...
Ang laki ng eyebags ko ngayong araw na to. Alam niyo ba kung bakit? Pwes! 'Wag niyo ng alamin!
Ugh!
Bakit kasi tinulungan ko pa yung babaeng yun noong isang araw? Ang laki tuloy ng problema ko!
"Good morning SuMi! Ay este Sushi pala!" Greet sakin ng isa kong classmate.
"Leche!" Umagang umaga sinisira agad nila ang araw ko. "Mochie, tayo na lang talaga ang magkakampi." Dahil kahit si Naoki, sinasakyan ang kalokohan nila.
SuMi, short for Sushi and Nami.
Dahil sa katangahan ni Yoshio, pinagkalat niya yung tungkol sa panyo with matching change in story pa. At ngayon, ginawan kami ng loveteam. Hindi ako nakatulog kakaisip sa paraan kung paano hindi masangkot sa ganitong sitwasyon.
Wala naman sigurong masama kung tanggalin ko yung pake sa babaeng yun diba? At sa una pa lang naman kasi wala na kong pake sa kanya.
Bahala na siya sa buhay niya.
NAMI
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bakit sa tuwing may tumatawag sakin ng SuMi kinikilig ako?
Bakit?
Inlove na ba ako?
Hindi, hindi, hindi! Napakaimpossible naman ng iniisip ko, siguro naninibago lang ako dahil hindi naman kami close nung lalaking yun. Tsaka baka naman hindi kilig tong nararamdaman ko.
Kailangan kong maconfirm kung ano nga ba tong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya at naririnig ang pangalan niya.
Tama!
"Hindi naman siguro ako mapagkakamalang stalker kung susundan ko siya hindi ba? Aalamin ko lang naman kung ano itong nararamdaman ko."
Kaso...
Palabas na sana ako ng cubicle ng biglang may nagbuhos ng tubig sakin at hindi ko mabuksan yung pinto.
After nung nangyari kasi samin ni Naoki, ang daming nambully sakin, nalaman nilang niloko ko sila, nalaman nilang hindi ako tunay na Yamamoto, nalaman nilang masama ang ugali ko, kaya ito, ginagantihan nila ako.
Naging mahina ako after mawala ni Shaun.
"Sabi na eh! Hindi ka talaga type ni Sushi kaya bakit ka niya papatulan? Ikaw lang talaga ang feeling na may gusto siya sayo!"
"Oo nga! Ang dapat sayo mabulok dito!"
"HAHAHA!"
Sila na naman pala.
Sanay na ako, palagi naman eh.
Hindi nga siguro ako makakapasok kung basa ako, mamaya na lang ako magpapasundo sa driver namin kapag wala ng tao.
Wala naman kasi akong kaibigan.
Shaun...Miss na miss na kita, sa mga oras na to, malamang tayo ang magkasama at hindi ka papayag na saktan ako ng iba.
Pero Shaun, may tanong pa ako sayo.
Minahal mo ba talaga ako? Bakit ang dali lang sayo na iwan ako? Na ipagpalit ako sa iba? Wala lang ba sayo ang lahat ng pinagsamahan noong mga panahong nangungulila ka sa kapatid ni Koji?
Masakit ang mga binitawan mong salita pero hindi ako naniwala, kaya lahat ng paraan ginawa ko para mapalapit uli sayo, pero hindi ko akalain na mali pala ang mga nagawa ko.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Novela JuvenilThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...