T,F 33: The Battle Between You and Me?

18 1 0
                                    

CASSEY

Hindi pa rin talaga ako makamove-on sa nangyari kanina. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naiisip ko na tumabi sa akin si Yoshio sa pagtulog.

Pero kahit ganun na ang nangyari, ang sungit niya pa rin sa akin. Hindi man lang nagpakita ng pagkagentleman ang lalaking yun, inunahan pa talaga ako maligo tapos ang tagal niya pa! Dinaig pa akong maligo sa sobrang tagal!

Tapos ako, 5 minutes pa lang ako sa banyo, galit na galit na siya.

"Hoy! Lesbi bilisan mo nga diyan! Anong oras na! Matagal pa biyahe natin!" Hmp! Lesbi na naman ang tawag niya sakin! Pasalamat talaga siya mahal ko siya.

"Ito na nga po! Nagbibihis na!" Sigaw ko naman pabalik.

Ayaw kasi kaming paalisin nila Tatay Wangko at Nanay Sefa hangga't hindi kami naliligo. Nagulat nga ako dahil may nakaready ng damit at talagang kasya sa akin!

Isa siyang summer floral dress, kulay pink na may yellow at blue na flowers. Ang cute! Tapos may flat shoes na kulay pink din.

"Nanay Sefa, Tatay Wangko, maraming salamat po sa pag-aalaga sa amin ng isang gabi. Hinding hindi ko po makakalimutan ang araw na nakilala ko kayo." Sabi ko. Na saan si Yoshio? Nandun na sa kotse, siya raw magdadrive, kasi baka kung saan ko na naman siya dalhin.

"Naku hija, wala yun. Basta para sa apo namin. Dumalaw ka rito minsan ah, isama mo si Yoshio at si Yoshimi." Sabi naman ni Nanay Sefa.

"Huwag kang mag-alala, nag-iisip naman si Yoshio." Sabi naman ni Tatay Wangko at hindi ko nagets yung sinabi niya. "Maingat din yun." Clueless na talaga ako. "Sa pagmamaneho." Ah! Oo naman, mas may sense sa direction si Yoshio kesa sakin.

"Lesbi ano ba! Bilis!" Hays! Napakamainipin talaga ng lalaking to.

"Sige po Nanay Sefa, Tatay Wangko, alis na po kami." Nakipagbeso ako kay Nanay Sefa at yumakap na rin sa kanilang dalawa ni Tatay Wangko.

Habang nasa biyahe kami ni Yoshio, ang tahimik niya lang, parang ang lalim ng iniisip niya. Gusto kong itanong kung ano na lagay ng kuya niya, pero ayokong pangunahan siya. Hihintayin ko na lang ba na kusa niyang sabihin sa akin o aalamin ko ng hindi niya nalalaman?

Unang una, ayaw niya ng pinapangunahan siya, pero kasi, nag-aalala naman ako sa mga bagay na iniisip niya. Paano na lang kung hindi na niya alam ang gagawin niya? Paano ko siya matutulungan kung wala akong alam, diba?

"Crush./Lesbi." Oopss! Nagkasabay pa kami.

"Ikaw muna." Sabi ko naman. Kinabahan ako bigla eh. Umatras yung sasabihin ko.

"Ahmmm. May tanong lang naman ako. Paano kung may gusto kang isang tao, mahal mo na siya, pero, hindi ka niya mahal o gusto, susubukan mo pa rin bang magtapat sa kanya?" Eh? Tama ba yung narinig ko? Nanghihingi siya ng advice sa akin?

Matagal bago ako nakasagot, biglaan naman kasi, hindi ako nakapagreview, may ibang laman ang isip ko ngayon.

"Gagamitan ko ng analytical thinking ang bagay na yan. Una sa lahat ayokong magpadalos dalos. Pero kung hindi na talaga ako makapagpigil, reflexive ang gagamitin ko." Nakangiti kong sabi. Naiimagine ko kasi na siya yung magtatapat sa akin. Ano kayang gagawin niya?

*IMAGINATION NI CASSEY*

Buti pa sila may lovelife na, eh ako, forever alone. Walang ibang kasama, kundi ang mga libro na nagkakaroon lang ng buhay gamit ang imagination ko.

"Gusto ko ng lovelife." Sabi ko sa sarili ko.

"Gusto mo ng lovelife? Just text Yoshio/Reason/When to start/Name,Age,Location and send to 143 for free." Nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon