T,F 6: My Guardian Angel?

42 2 0
                                    

Sobrang nakakabaliw yung nangyari kahapon! Totoo bang nangyari yun? Baka naman isa lang sa mga panaginip ko yun?

Kung sa bagay hindi pa ako bumabangon. Umaga na ba? Ayaw ng katawan ko na tumayo! Ganito ba talaga ang feeling kapag wala kang magawa?

Yung katawan ko, ayaw niya kumilos, para akong isang tuod dito. OMG! Paralyzed ako? May multong sumanib sa akin at kinokontrol niya ang katawan ko? OMG! HELP!

Anong klaseng multo ito? Maalala ko lang, nakakatakot nga ang mansion na 'to, yung aura ng bahay nararamdaman kong nakakasagap ng masamang spirit.

Tapos kapag gabi, hindi ko alam kung imagination ko lang o totoong may natawa sa may restroom sa kwarto ko. Tapos kapag napapatingin ako sa may veranda, may shadow ng isang pakpak. OMG! Manananggal ba yun?

Ngayon pa lang na iniisip ko yung mga bagay na yun nag-uunahan na sa pagtayo yung mga balahibo ko, paano pa kaya kung totoo sila? Edi wala na akong balahibo dahil naunahan pa nila akong tumakbo!

Waaah! Kung may guardian angel man ako, kung totoo ka man, please lang, bantayan mo ako sa masasamang spirit na naglilibot sa mansion na ito!

Okay Naoki, huwag ka ng baliw mag-isip, alam mo naman na hindi totoo ang mga bagay na yan, alam mo naman imagination lang yan. Huwag kang praning!

Babangon na ako! Ididilat ko lang naman ang mata ko tapos tatayo ako, tapos maglalakad palabas ng kwarto ko. Ay hindi, maghihilamos muna pala ako. Game Naoki! Kaya mo yan!

[NP: Your Guardian Angel By: TRJA]

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace.

Eh? Saan nanggagaling yun?

Huwaaah! Ang ganda ng boses niya, feeling ko nasa heaven ako. Umagang kay sarap nga naman!

And now that I'm strong I have figured out,
How this world turns cold and it breaks through my soul.
And I know I'll find deep inside me,
I can be the one.

Sana tuwing umaga may ganito sa kwarto ko. KWARTO KO? MUSIC? GITARA? SINO YUNG NAKANTA?

Agad akong napabangon sa kama ko, totoong may multo dito? Hindi, hindi, hindi siya multo, walang multo na maganda ang boses, diba? Diba? Diba?

I will never let you fall.

I'll stand up with you forever.

I'll be there for you through it all.

Even if saving you sends me to Heaven.

Angel siya? Angel nga ba? May angel ba sa umaga? Tanga mo Naoki, wala namang pinipiling oras ang angel.

Dahan dahan akong naglakad papalapit dun sa boses na naririnig ko, sa may veranda yun.

Nagtatago ako sa likod ng kurtina at unti unti kong sinilip kung ano man o sino man yun.

It's okay. It's okay. It's okay.

And seasons are changing,
And waves are crashing,
And stars are falling all for us.

Ang gwapo niyang angel, Mommy and Daddy, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko, pero nakakita ako ng angel sa may veranda ng kwarto ko.

Yung liwanag na nagmumula sa araw ang nagsisilbing spot light niya, tumutugtog siya gamit ang gitara at kumakanta habang nakapikit na nakatingala sa mga ulap.

Ang gwapo niyang nilalang, ang bait ni Lord sayo dahil binigyan ka niya ng perpektong appearance.

"You're awake." Kinakausap niya ako, Mommy and Daddy, nasa heaven na ba ako? "Are you hungry?" Gutom ba ako? Bakit niya yun natanong? Mukhang familiar yung angel na 'to ah. "Naoki." Natauhan ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon