KOJI
Sa pag-ibig ang sabi nila, kung mahal mo ang isang tao magpakatotoo ka. Yun ang isang bagay na hindi ko ginawa kaya ngayon, mukha akong tanga.
It's been five days simula nung malaman kong umalis si Mieru sa Pinas at pumunta sa Paris para iwasan ang isang gagong katulad ko.
Sa loob ng limang araw, wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Hindi naman sa nagmamadali ako, natatakot lang ako na baka hindi pa naibibigay ni Shichi yung letter ko para kay Mieru.
Nangako naman siya na ibibigay niya yun, may tiwala ako kay Shichi, usapang lalaki yun kaya tumupad siya.
Wednesday ngayon at 3rd day ng foundation week. Imbis na masaya ang week na to, wala tuloy akong gana. Lahat sila masaya, ako matamlay.
Mieru...
"Hoy!" Sigaw or should I say tawag ni Cassey sa akin.
Naging friend ko na rin siya, simula kasi nung umalis si Mieru, sa kanya ako lumalapit para kamustahin siya. Hindi naman nabanggit sa akin ni Cassey yung about sa letter, siguro nga hindi niya pa nababasa.
"Bakit?" Tanong ko naman.
"Na saan si Yoshio?" Pansin ko nagiging close na rin sila ni Yoshio.
"Malay ko? Tingnan mo na lang sa kitchen, baka kumakain, kanina pa nagseserve yun eh." Sabi ko na lang at bumalik ako sa trabaho.
"Okay. Humanda sakin ang playboy na yan." Then, pumunta na siya sa kitchen.
Gaya nga ng napag-usapan namin, natuloy yung Black Prince Latte. Kahit 3rd day na ng Foundation Week, patok pa rin kami sa mga customer, kahit mga outsider padami ng padami.
Yung kikitain naman namin ay mapupunta sa mga bahay ampunan. Tulong na rin namin sa ibang nangangailangan ng tulong.
Nagpeperform nga pala sila Naoki ngayon. Bakit parang pagod na pagod si Naoki? Hindi ko siya nakikita kapag hindi nagpeperform ang Black Rebel, pero parang siya yung pinakapagod samin?
"Dalhin mo to sa table 3, ito naman ang sa table 5." Utos ni Junichi. Tiningnan ko naman sila Yuichi, Sushi, Shin at Teiji, lahat sila may ginagawa. Teka...
"Na saan si Soul?" Tanong ko, tumatakas ang loko ah.
"Huwag mo munang hanapin, tinakas siya ng isang customer natin." Wow ah! Ang lakas talaga makahatak ng babae ang Soul na yun.
Maalala ko lang, magkapatid kaya sila ni Kento? Arioka rin kasi ang surname ni Soul diba? Matanong nga.
"Kento!" Tawag ko ng saktong mapadaan siya sa harap ko.
"Bakit?" Energetic na tanong niya.
"May kapatid ka ba?" Tanong ko naman. Kumunot ang noo niya.
"Sa pagkakaalam ko, only child ako." Sabi niya habang nakatingin sa taas. Inisip niya pa talaga yun? "Bakit mo natanong?" Dagdag niya pa.
"Kasi parehas kayo ng surname ni Soul, kilala mo siya diba?"
"Ah, oo. Baka nagkataon lang yun, wala kaming kinalaman sa isa't-isa." Siguro nga madami lang akong iniisip at pati yun naisip ko pa. "Sige ah, magseserve pa ako eh." Umalis na rin si Kento sa harap ko dala dala yung order ng customer namin.
Makapagtrabaho na nga rin.
Una kong dinala yung order sa table 5 dahil mukhang marami sila. Yung order sa table 3 ay pang-isang tao lang.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...