JUNICHI
Kuya.
Ayan ang role ko sa pamilyang ito.
Ang pamilya na tinutukoy ko ay ang pamilya na nagparamdam sakin ng pagmamahal. Oo kumpleto kami. Wala kaming problema.
May dalawa akong nakakabatang kapatid. Isang babae at isang lalaki. Si Mom and Dad share sa company.
Maganda ang lovestory nila dahil kusa silang nafall sa isa't-isa.
Ako rin may sarili akong lovestory. Ewan ko nga kung bakit nafall ako sa babaeng yun. Sadista pa naman. Pero kahit ganun yun, mahal ko yun.
Childhood friend kami. Hanggang sa naging loveteam noong elementary. Tapos naging bestfriend ko siya pagkagraduate ng elementary. Tapos niligawan ko siya 4th year high school kami.
Yung tungkol sa candidate ng mapapangasawa ni Naoki, hindi ako kasama dun, nagsilbing Kuya lang talaga ako sa lima para turuan sila ng dapat dahil ako ang nakakatanda. Sa case ni Teiji, alam niyo naman ang rason, dating pipe ang taong yun.
Hindi ako katulad ng mga itinuring kong kapatid na sila Sushi, Koji, Yoshio, Yuichi at Teiji. Ako ang taong walang problema.
Siguro dahil sa mga nalaman ko ngayon. Nabreak na ang record ko.
Hindi ko sinabi kila Teiji na bumalik na ako sa building namin. Kailangan kong ipagpatuloy ang college dahil inaapura na ako ni Dad.
Kailangan din ako ni Tamako.
Yes. Si Tamako lang naman ang kaisa isang babae na minahal ko bukod kay Mom at sa kapatid kong babae. Si Tamako Nakao, ang nag-iisang ate ni Teiji. Well, matanda lang siya ng isang taon kay Teiji.
*BOINK*
"Aray!" Sigaw ko ng may tumamang bola sa ulo ko. Kilala ko na kung sino.
"I love you Junjun!" Sigaw niya.
Ganyan siya mag-express ng pagmamahal. Kailangan mapapaaray ka talaga.
"I love you Tamtam." Sabi ko naman habang kinakamot yung ulo ko. Ang sakit kaya.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo, kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko pinapansin." Sabay pout niya. Nagtatampo.
"Kasi naman, ngayon lang uli ako nagkaroon ng exposure dito. Nilulubos ko lang, kasi limang chapters lang to." Sabi ko naman.
"Kasama ba ako palagi sa limang chapters na yan?" Inosenteng tanong niya.
"Sabi ni Author kapag daw naging sweet ka sakin palagi na kitang kasama." Sabi ko naman. Kahit wala naman sinabi si Author. Nirerequest ko lang. Ayoko na kasing mahiwalay sa babaeng to.
"Oo ba! Sweet na medyo spicy." O-ow. Alam ko ang ibig niyang sabihin dun.
"Kahit sweet na lang." May kasamang pacute pa yan kahit hindi effective sa kanya.
"Umasa ka lang. Hindi na kita mahal kung walang spicy." Talo pa rin pala ako.
"Ay sige, kahit spicy na lang." Ako na uto-uto.
*TSUP*
"Kaya mahal na mahal kita eh! Napagtsatsagaan mo ako." Tapos niyakap niya ako.
"Kaya kita mahal. Kasi ikaw si Tama-ko." Pagkasabi ko nun, hinalikan ko siya sa noo.
Oo siya ang tama ko at never siyang naging mali ko.
Nag-usap lang kami tungkol sa mga pangyayari sa amin ngayong araw na to.
Hindi ko rin kasi siya classmate kasi iba yung course niya.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...