T,F 35: How To Court A Guy?

19 1 0
                                    

CASSEY


Sabi ni Kuya Yoshimi ako na daw ang manligaw kay Yoshio, tutal wala pa daw gumagawa nun sa kanya, para daw maiba naman, hindi yung palaging lalaki na lang ang nanliligaw.

Well, payag naman ako sa idea niya, tutal, sa aming dalawa ni Yoshio, siya ang parang babae sa amin. Sa arte niya ba naman, ang sungit pa na parang meron din siya.

Dahil wala akong experience sa ganitong bagay, search muna kay Google, sigurado ako na siya lang ang makakatulong sa akin, dahil wala si Kuya Yoshimi ngayon, start na kasi ng operation niya. Nakahanap agad si Papa ng donor para sa mata ni Kuya Yoshimi.

Type.

How to court a guy?

Enter.

Waaah! Ang daming lumabas ah! Iisa isahin ko to. Konting tiyaga lang, mahilig naman akong magbasa eh.

1. Be Mysterious
Don't be so obvious na nanliligaw ka. Babae ka parin teh! Mag pa virgin ka naman kahit papaano. Control your emotions! Wag mong isiwalat lahat ng nararamdaman mo para sa kaniya. Antayin mong ma curious ang guy sa iyo para next time siya naman ang mag habol. Sabi nga ni Maja Salvador. "Dahan-dahan lang" So be it. Dahan-dahan lang ang panliligaw.

Ay ang bongga naman nito! Ibang klase ang pagkakasabi nito ah, atat pa naman akong tao, baka mamaya mainip ako dahil pakipot si Yoshio. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin sa kanya, baka itanan ko yun kahit ayaw niya.

2. Be Close To Him
Kung gusto mo talaga siya i-close mo na. Alamin mo lahat ng likes and dislikes niya ganyan din naman gawain ng mga lalaki eh inaalam nila ang hilig ng mga babae. Tama naman diba? And as for the girls pag nalaman niyo na ang hilig ng taong gusto niyo, pag-aralan niyo na agad. For example mahilig silang mag dota edi push mo yan teh mag-aral ka na din mag-dota. Aminin! Yung ibang girls diyan nag-aaral mag dota para mapansin ng crush nila! Kung sporty naman siya edi samahan mo siya mag basketball, bike, or volleyball o kung ano man ang sports niya. Kung kaya mo gawin ang hilig niya edi much better dahil para sa mga guys they are impressed if a girl can do what guys do! For sure mag e-earn ka ng "ganda points" doon.

Ay mas bongga ng konti ito kesa sa nauna. Buti na lang ready ako sa lahat basta kasama ko si Yoshio. Kahit na ako ay marunong magdota pero siya hindi, ok lang, hindi na ako maglalaro nun para sa kanya. Kahit saan sasamahan ko siya, lahat ng gusto niya gugustuhin ko rin, basta maging close lang kami.

3. Care Giver
Nag survey ako sa mga friends kong lalaki at no. 1 criteria nila sa paghahanap ng girlfriend ay ang caring. Parang caregiver lang ang peg namin? Pero may point din naman talaga sila dahil pag nag-asawa ka na babae talaga ang responsible sa pag-aalaga sa magiging pamilya nila. So ayun na nga, let him know that you care. Text him or call him, pero wag kang clingy! What do I mean by being a clingy? Yung tipong para kang higad na kating kating kausapin sya at sabihing mahal na mahal mo sya, in the first place nanliligaw ka palang wala pang kayo. Tamang pag papakita lang na nag ca-care ka sa kanya dahil deep inside kinikilig din ang mga lalaking yan.

Ay parang aldub lang? Pansin ko nga yun eh, simula nung aldub, nakakita ako ng mga lalaking kinikilig, akala ko mga bato puso nila at hindi sila marunong kiligin. Bet ko ang isang to, marunong kasi ako sa gawaing bahay, caring naman ako sa lahat ah!

4. Be The Reason Why He Smiles
Alam niyo ba na madalas daw nagkakagusto ang mga lalaki sa mga babaeng pala-ngiti. Mas nakaka attract ang babaeng smiley face kesa dun sa mga palaging naka simangot. Be funny and approachable iparamdam mo sa guy na he can talk to you about anything. Remember, mas masarap kasama ang mga babaeng may sense of humor. Guys love people who they can have fun and laugh with.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon