T,F 5: My Kuya?

43 2 0
                                    

Thursday na pero wala pa rin akong plano sa buhay ko.

Kahit na 1am na ako nakatulog, ang aga ko pa rin gumising.

Bigla ba naman kumulo yung tyan ko. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi dahil sa Yuichi na yun.

Siguro naman tulog pa sila nuh? Makapunta muna sa kitchen para kumain. Kahit yung tira lang kagabi.

Malamang kung hindi ako bumaba kagabi maliligaw ako. Ang daming pinto tapos ang laki, konti lang yung gamit pero ang daming paintings.

Alam ko sa pangatlong liko yung kitchen dito.

Pagliko ko, bukas yung ilaw. Tingnan mo sila, nagsasayang sila ng kuryente. Sobrang yaman kasi nila kaya wala lang sa kanila ang pera.

Ahmm....ang bango naman nun! May cook ba kami dito?

Ay oo nga pala! Si Junichi ang cook namin dito!

"Gising ka na pala, lady." Magsasalita ba ako? Ako ba kausap niya? Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, wala namang tao, so, ako yung lady na tinutukoy niya. "Are you hungry?" Tanong niya.

Oo! Gutom ako! Sisihin mo yung Yuichi na yun!

Tsaka hindi ba halata na nagugutom ako? Kaya nga ako pumunta dito diba?

Magsasalita na sana ako kaso nakita ko yung niluluto niya. Natatakam na sana ako kaso pancake pala.

Naalala ko na naman yung kagabi. Ano bang meron sa pancake? Hindi naman pancake yung design ng underwear ko ah!

"Not really."

Naoki! Baliw ka na ba? Anong not really? Kanina pa kumukulo yung tiyan mo! Ang sarap pa naman siguro nung pancake, amoy pa lang!

Pwede magbago ng isip? Ngayon gutom na ako. Pwede naman sabihin diba? Diba?

"Here. I know you're hungry, konti lang yung nabawas sa food mo kagabi."

Isa kang pinagpalang tao Junichi! Sa oras na makapunta ako ng simbahan, ipagdarasal ko ang kaluluwa mo na ipagluto pa ako!

Waaah! Pancake! Isa to sa mga favorite ko! Lalo na kapag may honey, strawberry at chocolate syrup na kasama!

"Thank you."

Yun na lang nasabi ko at kumain na ako.

"Ang tahimik mo pala, parehas kayo ni Teiji."

"Teiji? Sino yun?" Curious lang ako, siya na lang kasi yung hindi ko pa nakakausap.

"Si Teiji silent type, hindi siya palasalita, he really loves music."

"Musician siya?"

"Nope, mahilig lang siya makinig, minsan lang siya pumasok sa klase dahil always siyang nasa music room."

"Na saan siya ngayon?"

"Nasa kwarto niya, malamang nakikinig na naman yun sa music."

Takot din ba siya sa tao? Katulad ko? Pero kung takot siya hindi naman siya papasok. Baka gusto niya lang mapag-isa.

"Ikaw ba, bakit ka tahimik? Alam mo bang magkakasakit ka niyan?" Tanong niya.

"Anong sakit?" Hindi ko alam yun ah! Mukhang outdated na ako sa internet!

"BB."

"BB?" Blackberry? Blueberry? Ano daw?

"Bad Breathe. Masama yun, lalong walang kakausap sayo."

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon