Laking pasasalamat ko talaga kay Lord at buhay pa ako hanggang ngayon. May lahi ata akong pusa?
Sunday ngayon at magsisimba kaming walo kasama si grandma. May pagkabanal din naman pala sila.
Hindi pa ako nakakapunta ng simbahan. Sa totoong lang sa TV lang ako nagsisimba. Alam niyo yun? May pinapalabas na misa sa TV tuwing sunday, dahil takot pa nga ako sa tao noon pinagtiisan ko ang TV. Ngayon kaya hindi na ako takot?
Medyo may kaba pa akong nararamdaman pero hindi na tulad ng dati na parang may karera ng kabayo sa dibdib ko.
Ito na, lalabas na ako ng sasakyan namin, madami akong nakikita na formal ang pananamit nila, meron naman simple lang at meron parang tatambay lang.
"Kinakabahan ako." Bulong ko sa sarili ko habang palabas ako ng kotse.
"Don't be, just hold my hand and be confident." Sabi naman ni Koji na siya pala ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Sa kanilang anim, siya talaga yung poprotekta sa akin. Kaya hinawakan ko na yung kamay niya. Masarap hawakan ang kamay dahil malambot, prinsipe sa bahay ih.
"Tss." Anong problema nitong si Yuichi? Maka-Tss naman siya.
Oo nga pala, sabi sa akin ni Kuya Junichi, pagbigyan ko na lang daw si Yuichi na asarin ako dahil kapag nasa labas ng mansion, isang snob, masungit at seryosong tao si Yuichi. Poker face lang ang mukha niya, hindi siya nakikijoin sa pagtawa lalo naman kahit ngiti hindi makikita sa mukha niya.
Okay, naintindihan ko siya, hindi lang pala ako ang mapagpanggap na tao, lahat pala kami dito mapagpanggap at may tinatago.
Hanggang sa makaupo kami hawak ko pa rin ang kamay ni Koji, hindi ko na 'to bibitawan hanggang sa makauwi kami, ang init kasi ng mata ng mga tao sa akin, mapalalaki o mapababae man, ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng tuod?
Oo, tuod, para kasi akong tuod dito, hindi ako makakilos, hindi ko alam kung may dapat ba akong gawin.
O baka naman naiinggit sila sa akin dahil anim na Adonis ang kasama ko?
Nakikigaya at nakikisabay na lang ako sa mga gagawin nila para hindi ako mapahiya.
Aftern an hour natapos na rin ang misa. Akala ko uuwi na kami pero hindi pa pala.
"Naoki, are you ready?" Excited na tanong ni grandma.
"For what Grandma?" Tanong ko naman dahil hindi ko talaga alam kung ano bang gagawin namin. Hindi ako inform! Ang alam ko lang magsisimba kami kaya pumayag akong lumabas.
"Shopping!" Excited talaga si grandma.
But wait! What? Shopping? Mall? Ang daming tao dun to the point na nagbabanggaan na yung mga tao. Base sa mga napapanuod ko.
At tsaka Sunday kaya ngayon! Malamang sobra ngang dami ng tao sa mall ngayon. Sale ba kaya gusto ni grandma?
"But wait Grandma, do I need to come?"
"Ofcourse! It's our mall, you need to come and visit." Our mall? Kailan pa kami nagpagawa ng mall? Sobrang yaman ko naman para makapagpagawa ng mall.
"Sorry Grandma, but the Pancake is so ignorant!" Asar ni Yuichi sa akin. Talagang bumelat pa siya sa akin.
Tumawa naman si grandma dahil sa inasal ni Yuichi. Ngayon ko lang nakitang tumawa si grandma.
"I see. So, close na pala kayong lahat? One week is enough for you to decide, remember our deal?" Oo nga pala, actually apat na araw nga lang yung binigay ni grandma sa akin. Sinama niya pala yung unang araw ko sa mansion.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
ספרות נוערThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...