Bahala siyang maghintay sa akin.
Hindi ako lalabas sa rest room na to.
Hindi ako magpapakita sa maraming tao!
"Kapag hindi ka lumabas diyan within 10 minutes, ako mismo papasok diyan at paliliguan kita."
After 5 minutes.
"Ito na po!"
Sa sobrang takot ko na pasukin niya talaga ako, 5 minutes lang tapos na akong maligo.
Nakasuot na rin ako nung damit na binigay niya. Simpleng dress lang na color blue at nakadoll shoes na black.
Pagkalabas ko naman, andun lang siya sa kama ko nakapikit habang nakaupo.
"Grandma's waiting for 2 hours, we're late and that's because of you, you need to explain yourself and tell grandma."
"Fine."
Pagkasabi ko naman ng 'Fine' bigla niya akong hinila palabas ng kwarto.
Grabe naman to, siguro siya yung bata dati na parang papatay talaga.
Isang gangster ang lalaking ito, naamoy ko.
After 45 minutes, nandito na kami sa tapat ng isang tower.
Kung titingnan mo ito, ang tower na ito ang pinakamalaki compare sa mga katabing tower.
"Ilang floor yan?"
"100 floors."
Nahiya naman ako sa 100 floors ng tower na ito!
Ibang klase! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking tower.
At dahil takot nga ako sa mga tao, napahawak ako sa braso ni....sino nga ba siya?
"Huwag mo kong hawakan."
"Pero natatakot ako."
"Kapag sinabi kong huwag mo kong hawakan, huwag mo kong hahawakan, allergic ako sa babae kapag hinahawakan ako."
Pagkasabi niya ay bigla niyang tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa kanya, yung pagkakatanggal niya masakit ah.
Hindi ko talaga kaya, nakatingin pa sila sa akin.
Babalik ako sa kotse.
"Where do you think you're going?"
"Sa kotse? Natatakot kasi ako! Ang kulit mo!"
Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na siya. Dahil sa pagsigaw ko nagtinginan yung mga tao sa amin na nasa labas.
Mou! Ayoko na talaga! Tatakbo na ako!
O___o
Ehh?
Hinawakan niya yung kamay ko.
"Humawak ka na lang sa kamay ko."
Sa ginawa niyang yun, kahit papaano nawala yung takot ko.
Habang naglalakad kami papunta sa elevator hawak lang niya yung kamay ko. Hanggang sa makapunta kami sa 99th floor, hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko.
*KNOCK KNOCK*
Kumatok na siya dun sa pinto gamit ang isa niyang kamay.
May nagbukas naman na isang lalaki, nasa 30s na siguro to.
"Good morning Young Master, kanina pa po kayo hinihintay ni Madam Lavinia."
Butler siguro siya, well yun na lang itatawag ko.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...