T,F 23: Moment and Jealousy?

21 2 3
                                    

(Ito po yung nangyari 3 weeks ago.)

SHAUN

Naiinis ako! Bakit ba ang daming lalaking nakapaligid kay Naoki? Simula nung una ko siyang makita, ang dami niyang kasamang lalaki at nagpapanggap pa siyang lalaki. Ang imba talaga ng babaeng yun!

Ano nga bang nakita ko sa babaeng yun? Hindi siya maganda, cute pwede pa, kamukha niya yung aso ko sa New Zealand. Snob, galit sa akin, palaging magkasalubong ang kilay kapag kausap ako at hindi ako gusto. Pero bakit gusto ko pa rin siya kasama?

Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na idamay pa siya sa plano, sadyang nabulag lang talaga ang puso ko dahil alam niyang hindi na ako magtatagal pa. Siya na siguro ang binigay sakin ni Lord para masulit ko ang buhay ko.

"Ang lalim ng iniisip natin, Shaun." Biglang sulpot ni Chard. Sanay na ako kaya hindi na ako nagulat.

"Oo nga eh, ang lalim ni Naoki." Sabi ko. Ang corny nun ah.

"Babae pala, pakilala mo naman ako."

"Actually kilala mo na, yung bestfriend ng girlfriend ni Shin. Huwag mo ng tangkain agawin sakin, hindi ka mananalo."

"Ah, yung babaeng hindi mo alam kung babae nga. Don't worry, wala akong hilig sa babae, gusto ko lang kaibiganin." Sinamaan ko siya ng tingin, babae si Naoki.

"Babae yun, pakinggan mo to." May pinarinig ako sa kanya na galing sa phone ko.

Kumunot ang noo niya dahil siguro hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. Pinarinig ko lang naman sa kanya yung boses ni Naoki nung una naming pagkikita, yung boses niya na palagi akong sinisigawan at yung boses na iritang irita kapag naiinis na sa pangtitrip ko.

Ang cute lang kasi ng boses niya, hindi mo halata na sa kanya galing ang boses na yun. Ang cute niya pero boses lalaki naman. Saan ka pa diba?

Tapos pinakita ko rin kay Chard yung pictures ng iba't-ibang expressions ni Naoki. May mga explanations pa yun kung bakit ganun ang itsura niya. May mga idadagdag pa ako kaya tumulong na si Chard sa pagdikit ng pictures ni Naoki.

Hindi naman ako obsess, sadyang gusto ko lang gumawa ng isang bagay na maalala ako ng taong mahal ko kapag iniwan ko na siya. Hindi pa naman ako mawawala, nagbabakasakali lang dahil hindi ko hawak ang buhay ko.

Hay Naoki, ano nga bang meron ka at kahit ilang araw pa lang tayo magkakilala ay mahal na kita? Sana...

"Shaun, wala ka bang balak pumasok?" Tanong ni Chard. Tiningnan ko naman ang relo ko. Anak ni Madam Auring! 6:50 am na?

Ang aga kong gumising para dito sa scrapbook ko, ibig sabihin dalawang oras ko ginawa to?

"Hindi pa ako naliligo eh!" Sigaw ko.

"Ito oh, maligo ka na." At ang malokong si Chard, binuhos sa akin ang bagong bili kong pabango.

"Anak ng unggoy naman Chard! Bakit mo binuhos lahat? Kabibili ko pa lang nun!"

"Para instant ligo ka na, wala ka ng oras para maligo, huwag ka ng mag-inarte, ibibili na lang kita ng bago." At sinuot na niya yung mask niya bilang si Shin.

*ACHOO!*

Huwaaah! Ang tapang nung amoy ko! Hindi bale sana kung spray lang ang ginawa niya, kaso hindi eh, paligo talaga. Ang sama tuloy ng amoy ko, paano ako lalapit kay Naoki nito? Kung ako nga masakit na ilong ko, paano pa kaya siya?

-------

Takbo ang ginawa namin ni Chard papunta sa room ng makarating kami sa school. One minute na lang kasi magtatime na. Ayokong malate dahil hindi ko makukuhanan si Naoki, kakaiba kasi ang itsura nun kapag history namin.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon