YOSHIO
Ang bagal ng oras, yung tipong akala mo isang linggo na ang lumipas pero ang totoo, isang araw pa lang. Tinatamad na nga ako pumasok kasi wala naman ibang gagawin kundi magserve. Ewan ko ba, bigla na lang ako nawalan ng gana sa mga babae.
Bukod kasi sa pagdating ni Naoki, kasabay pa nito ang isang madilim na pangyayari na naranasan ng kuya ko dahil sa isang babae. Dapat nga tinutuloy ko lang ang pagpapaiyak sa kanila bilang ganti sa kuya ko, pero hindi ko talaga magawa sa tuwing nakikita ko naman si Naoki.
Idagdag mo pa na parang tanga na tong kaibigan ko dahil sa babae. Isang araw pa lang ang nakalipas pero yung itsura niya parang pang sinaunang panahon na.
"Brad, wala bang epekto yung ininom natin kahapon? Gusto mo maground two tayo ngayon?" Tumabi ako sa kanya.
Nandito pa kasi kami sa mansion. Parang wala rin siyang gana pumasok eh. Bukas pa naman yung pinaka-main event namin, siguro naman okay lang kahit wag muna kami pumasok ngayon. Final decision, hindi kami papasok.
"Brad, I let her go." Paulit ulit niyang sinasabi yan. "Ang tanga ko." Binatukan ko na nga eh pero ang manhid. "Ang duwag ko." Suntukin ko kaya to? "Binitawan ko siya, mahal ko naman siya eh." Kaso kawawa naman ang kaibigan ko.
"Alam mo Brad, babae lang yan. Kung mahal ka nun, babalikan ka niya. Hayaan mo muna siya, ang kailangan mong gawin, maghanap ka ng mga bagay na makakalimot sa sakit na nararamdaman mo kahit panandalian lang."
"Makakasiguro ba ako na babalik siya?"
"May tiwala ka ba na mahal ka niya?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko pero ngumiti siya. Siguro naman nagets niya yung sinabi ko diba? Sana hindi siya katulad ng kuya ko.
Alam ko kanina ko pa nababanggit ang kuya ko. Siya ang kaisa isa kong kapatid pero kinuha pa sakin.
Ganito kasi yung nangyari sa kanya.
*FLASHBACK*
Haysss...Sa totoo lang, bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit ba parang ang saya ko pa kasi napapaiyak ko ang mga babae? Kung sa bagay, sabi ni Dad.
"Son, wag kang titigil sa paghahanap ng true love mo." Ginaya ko pa talaga yung tono ng boses niya. "Hangga't hindi mo siya nakikita, sige ka lang." Kaya ayun ang ginawa ko.
Kaya ko lang pinapaiyak ang mga babae kasi ayaw nilang humiwalay sakin. Kaya para lang maghiwalay kami, kailangan kong magsabi ng masakit sa kanila, kaya sila umiiyak.
Si Dad kasi eh, sinusunod ko lang naman yung sinabi niya. Idol ko kasi si Dad, alam niyo bang naka260 siyang girlfriends bago niya makilala si Mom? Ako nga wala pang 100 eh.
"Ano ba yan utol! Dapat hindi sinasaktan ang babae." Bungad ng kuya kong loyal sa girlfriend niya.
"Oo na, ayoko ng lecture mula sayo. Ayokong pumasok sa isang relasyon na ako lang nagmamahal." Totoo ang sinabi ko, one sided ang lovestory ng kuya ko.
"Mahal niya ako." Sabi niya ng nakayuko.
"Sinabi niya lang yun, para hindi ka mapahiya. Tama ba naman kasing magpropose sa harap ng maraming tao pero kaibigan lang turing sayo?" Hindi naman sa sinasaktan ko ang kuya ko. Gusto ko lang maliwanagan siya.
"Ramdam ko yun. Diyan ka na nga. Ano nga ba kasing alam mo sa love eh hindi ka pa nagmamahal?" Aba! Bumabawi ah!
"Ano nga ba laban ko sa isang loverboy?" Akala mo ah!
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Novela JuvenilThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...