T,F 30: Second Chance And Sorry?

22 1 0
                                    

It's Friday.

At nakakapagod!

Bukod sa dito pa sa mansion namin napiling magpractice, ako pa yung bida sa play at nagpapractice din kami ng Black Rebel ng mga kanta.

Simula kahapon, paulit ulit lang ang ginagawa ko. Gigising, kakain, practice ng play, breaktime ng 15 minutes, practice ng kanta, breaktime ng 15 minutes, then ulit sa umpisa.

At talagang hindi sila naawa sa akin. Alam naman nilang Class A Section ni Soul, pero napagbotohan na ililipat siya sa Class S Section para lang magserve. Ang babait ng mga classmates ko diba?

"Asawa kong mahal." Idagdag pa itong Pampers na to. Sabi ko sa inyo mali ang pagkakaintindi niya eh.

"Pwede ba? Wag mo kong matawag tawag ng ganyan?" Inis kong sabi sa kanya.

"Bakit? Eh diba asawa na kita?" See? Maling mali!

*FLASHBACK*

Tuesday

Nagdadalawang isip akong pumasok, may pakiramdam kasi ako na may hindi magandang mangyayari sa school.

Pero para na rin wala akong absent, sige papasok na lang ako. Wala rin naman akong gagawin dito sa mansion at baka may surprise quiz kami kay Ma'am History.

Papunta ako ngayon sa kusina para kumain ng breakfast.

"Hi! Asawa kong mahal!"

O____O

Yuichi? Ang aga naman ng lalaking to. Nakakapagtaka dahil palagi siyang late gumising sa amin.

"Asawa kong mahal?" Inaantok na tanong ni Kuya Junichi na kakapasok pa lang sa kusina.

"What? Naoki nagayuma ka ba?" Gulat na tanong naman ni Yoshio. Nakapangtulog pa ang loko.

"Is that true? Hindi na ako nagulat." Kalmadong tanong ni Sushi. Bumulong pa siya pero hindi ko na narinig.

"Improving brad ah." Sabi naman ni Koji na ngayon ay may kinakain na tinapay.

"Paburger naman diyan!" Sigaw naman ni Teiji.

"Heh! Magsitigil nga kayo! Umagang umaga kung ano nasa isip niyo!" Inis na sabi ko sa kanila. "Sabi nga ni Sarah G. There was never an us." Then inirapan ko siya.

Like duh?! Ako at si Yuichi? Hindi ko maimagine no!

"Ouch! She denied me." Aba! At talagang nag-act pa si Yuichi na parang nasaktan siya.

"Brad, sabi niya 'There was never an us.' Was brad, was. Baka sa future meron." -Koji. Bakit ba pinipilit niya si Yuichi sakin?

"Brad, anong recipe ng gayuma mo?" Tanong ni Yoshio.

"Gago! Gayuma pinagsasabi mo? Kusa akong sinagot ng asawa kong mahal!" What the! Kailan ko siya kusang sinagot? "Sabi niya pa nga 'Oo na! Ang ingay mo!'" At ginaya niya pa yung boses ko. "Well, sa gwapo kong to?" At nagpogi sign pa siya.

"Brad, kelan ka pa naging baduy?" Tanong ni Teiji.

"Nung nakilala ko ang asawa kong mahal." Nakangiting sabi ni Yuichi.

"Hindi na ako nagtaka, napapansin kong nag-iiba nga si Ichi." Sabi naman ni Kuya Junichi. "Pansin naman yun sa mga kinikilos niya simula nung pumasok si Naoki. Diba? Pansin niyo rin?" Tanong niya pa sa amin. Well, hindi ko pansin yun dahil palagi akong binubully ni Pampers!

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon