T,F 24: The Truth?

22 2 0
                                    

SHIN

Noong una nagulat ako dahil hindi ko akalain na magagawa akong lokohin ni Nii-san. Hindi ko akalain na kaya niya akong ipakidnap at balak sirain ang buhay ko.

Pero nagbago ang lahat ng yun nung makilala ko siya. Noong nagpakita siya sakin araw mismo ng dalhin ako sa lugar na to, tatlong linggo na ang nakalipas.

Una pa lang na makita ko siya sa school. Ayoko na talaga sa aura niya, ayoko sa pagmumukha niya at ayokong ayoko sa ugali niya, lalo na yung trato niya kay Naoki.

Ikukwento ko ang dahilan kung bakit niya ako pinakidnap at kung paano niya gamitin si Nii-san para makuha ako. Lahat ng nangyaring hindi maganda, siya ang may plano.

*FLASHBACK*

Nagising na lang ako, nakatali na ang kamay at paa ko habang nakahiga ako sa isang kama. Masama agad ang inisip ko kay Nii-san dahil siya ang huli kong kasama.

Pero t-teka, na saan ba ako? Bakit ako nandito? Anong ginawa sa akin ni Nii-san? Ang huling natatandaan ko, sabi niya may sasabihin siya sakin kaya sumama ako. Pero nung pagpasok ko sa isang room kung saan dapat kami mag-uusap, may sumugod na nakamask sa akin at pinukpok ang ulo ko, dahilan para mawalan ako ng malay.

Ibig sabihin ba nito, si Nii-san ang nagpakidnap sakin? Pero bakit? Anong kailangan niya? May atraso ba ako sa kanya? Pero mabait siya, hindi niya kayang gumawa ng masama.

*KNOCK KNOCK*

May kumatok sa pintuan. Actually nasa isang maayos na room ako, parang pinaghandaan ang room na 'to para sakin. Inayos pa talaga nila, planadong planado.

Hindi ako sumagot kaya kusa na lang pumasok yung kumatok kanina. Gulat na gulat ako ng makita ko siya, hindi siya pumasok sa isip ko, hindi ko naisip na kaya niya itong gawin, pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. May kasama siyang dalawang lalaki na nakablack.

"So, gising na pala si Mr. Shin Yamada. Kamusta?" Ang galing din ng isang 'to ah. Kupal siya.

"Eto, ayos naman ako. Alam mo ba kanina pa gustong manapak ng kamao ko kasi ngalay na ngalay na sa pagkakatali. Gusto mo try ko sayo?" Sarcastic kong sabi sa kanya at nakangiti pa ako. Loko kasi ang isang 'to, hindi niya ba alam na mas maloko ako?

"Ahmm, try mo? Kung kaya mong tanggalin yan."

Inirapan ko lang ang sinabi niya. Paano ko ba naman kasi matatanggal 'to? Nakakadena kaya at may kasama pang lock. Wala naman akong super powers para matanggal to.

"Sige ba, lapit ka sakin, yung ulo mo ipampupukpok ko para masira yung lock." At siya naman ang nainis sa sinabi ko.

"Heh! Bakit ba ako nakikipagtalo sayo? Nonsense!" Wow! Siya ang nonsense! "Gusto ko lang naman sabihin sayo na hawak ko kayo ng kuya mo. Kaya dapat sumunod ka sa sasabihin ko. Simple lang naman ang ipapagawa ko sa inyo. Yung sa kuya mo nagawa na niya kaya hindi ko na siya kailangan, bonus na lang si Naoki sa kanya. Yung sayo? Mas simple lang naman."

Pinagawa kay Nii-san? Ibig sabihin siya ang nag-utos kay Nii-san na kidnapin ako? Na ligawan si Naoki? Lahat lahat ng ginawa ni Nii-san siya ang may utos? Pero bakit?

"Bakit naman gagawin ni Nii-san yun?!" Sigaw ko. Naiinis na kasi talaga ako.

"Una sa lahat, may utang ang pamilya niyo sa pamilya namin. Dahil bumabangon pa lang naman kayo, hindi niyo kayang bayaran ang 37 million. Kaya nakipagdeal ang kuya mo sakin. Mababayaran ang 25 million kapag sinunod niya ang utos ko. The rest ikaw ang gagawa, yun ang kundisyon ko."

"Babayaran na lang kita ng 12 million, hinding hindi ako susunod sa utos mo!"

Nii-san! Bakit mo ba 'to ginagawa? Kaya naman natin bayaran ang utang na yun kapag okay na ang company natin! At bakit hindi mo agad sinabi sakin? Nagsarili ka na naman ng problema! Yan ang gusto kong sabihin sa kuya ko.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon