Hi Naoki! It's me Pooh!Pooh! *Bearhug* I really like you Pooh! *Kisses* Even though you don't wear shorts! *Kisses*
Niyakap ko ng niyakap si Pooh, hinahalikan ko rin siya sa pisngi. Sa wakas natupad din ang pangarap ko na makita siya.
Kung mapupunta ka sa dating kwarto ko, punong puno ng Pooh collections ko yun. Ang saya ko talaga at si Pooh ang nakita ko ngayon.
STOP!
EH? But why? I love kissing you Pooh!
Naiiyak na ako dito, hinarang ni Pooh ang kamay niya sa mukha ko kasi ayaw na niya ng kiss ko.
T_____T
I'm not the yellow-pervert-bear okay?
But...POOOH!
Nahulog ako sa pagkakatulak ni Pooh sa akin, ang dahilan para magising ako. Alam niyo yun? Yung hindi ka naman talaga nahulog pero feel mo nahulog ka.
Hindi...
Isa pa ngang hulog diyan.
Nananaginip lang ako diba? Hindi totoo lahat ng nakikita ko, diba? Isa pa dali! Itulak mo pa ako Pooh!
"Sa wakas gising ka na." Ang sama ng tingin niya sa akin. Pero ang pula pula ng mukha niya, hindi niya ata magawa yung shy moves niya kasi yakap yakap ko siya.
"Aaah! A-anong ginagawa mo sa kama ko? A-at b-bakit kita kayakap? A-at ang lapit ng mukha mo!" Tinulak ko siya palayo sa akin. Hindi naman siya nahulog kaya okay lang.
"Tch, pagkatapos mo kong sakalin, itutulak mo ako? Pagkatapos kitang alagaan, ganyan igaganti mo sakin?" Inis niyang sinabi sa akin. Napahawak siya sa ulo niya.
Hala! Nagalit ata siya sakin, shock lang ako kasi pagmulat ng mata ko dahil sa akala kong nahulog ako, yung mukha niya yung nakita ko, I mean pisngi niya, basta mukha niya pa rin yun!
Tapos 1 inch lang yung agwat! Kaya sinong hindi magugulat nun diba? Teka lang, parang may narealized ako sa nangyari.
"K-kanina ka pa gising?" Tumango naman siya sa sinabi ko with matching irap pa yan at 'Tch'. "H-huwag mong sabihin na..." Nanlaki yung mata ko nung namula siya at ginawa niya ang Yuichi shy moves. "T-totoo? H-hindi ka nagbibiro?" Pinipilit ko talaga siyang magsabi ng totoo. Tumango uli siya sa sinabi ko.
"Tch, sa pisngi lang yun huwag kang OA."
Nila-lang niya yung pisngi? Sapakin ko kaya siya nuh? Ang buong akala kong si Pooh yun! Siya pala!
"Kahit na! First kiss ko yun!" Hindi! Wala na! Hindi na virgin ang lips ko! May nahalikan na! Ang matindi pa dun, pisngi ni Yuichi!
"Aw! Ano ba! Tch." Hinahampas ko kasi siya ng unan. Humawak na naman siya sa ulo niya.
Gusto kong magwala dito! Narape ang lips ko! Si Pooh! I hate Pooh! Nagpakita siya sa akin pero wrong timing naman! Waaaah! Hindi na virgin si lips! Kill me now!
"Anong kaguluhan 'to?" Tanong ni Kuya Junichi.
"Ang aga para kayong nasa world war II." Singit naman ni Koji, hilig talaga nito sa gulo. World War II agad? Dalawa lang kami.
"Magaling ka na Naoki?" Tanong naman ni Sushi, buti pa siya yun ang tinanong.
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko kung hindi na masakit ang ulo ko. Hindi na nga! Ginalaw galaw ko pa para makasiguro ako. Hindi na nga! Tumango ako kay Sushi at nag-smile naman siya sakin.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...