T,F 39: Why Me?

3 1 0
                                    

NAMI

Bakit sa dinarami rami ng tao sa mundo ako pa ang napiling saktan ng ganito? Oo inaamin kong marami akong naging kasalanan sa iba, marami rin akong nasaktan noon, yung mga bagay na hindi ko inakalang gagawin ko ay nagawa ko, natutunan ko pang magbanta ng buhay ng tao.

Hindi ba pwedeng lahat ng kasalanan kapag sinabi mong 'Pinagsisihan ko na' ay pinagbayaran mo na rin?

Hindi ko akalain na ganito pala kalupit gumanti ang pagkakataon.

Sobra akong nasasaktan sa sitwasyon ko ngayon, sa totoo lang, natatakot na akong pumasok sa school dahil panigurado ang dami na nilang mambubully sakin.

Why me?

Bakit ako ang napili Mong makaranas ng ganito?

"Parang ayoko nang mabuhay pa." Sabi ko sa sarili ko.

"Suicidal din?"

Gulat akong napatingin sa katabi ko. Hindi ko napansin na may katabi na pala ako.

"Sino ka?" Tanong ko naman sa kanya at ginantihan ako ng ngiti. Magpapakamatay din ba siya? Tapos nakuha niya pang ngumiti?

"Hindi ako sinuka. Ako si Gian. Hi nice to meet you friend." Iniabot niya sa akin ang kamay niya. Dahil para kaming ewan dito sa rooftop ng isang malaking building ay tinanggap ko na lang. "Alam mo bang pangatlo ka sa nakita kong tao na ayaw ng mabuhay?" Ano siya? Angel?

"Hindi ko alam." Medyo mataray yung pagkakasabi ko dahil ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Pwes ngayon alam mo na. Baka naman gusto mo rin ng word of wisdom?" Magkano kaya kinikita nito sa isang araw? Ang galing sa salestalk. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "I'll take that as silence means yes." Sabay tumawa siya ng mahina. 

May kinuha siyang phone sa bulsa at hindi ko alam kung bakit? Takas ba sa mental ang taong ito? Sa pagkakatanda ko, building ng mall ang pinuntahan ko.

Tapos biglang may nagsalita sa phone.

"Lahat ng tao nasasaktan, lahat may problema dahil lahat may pagsubok na dapat lampasan. Kapag nalampasan mo ang problemang 'yun isa ka ng ganap na tao.---" Bigla kong kinuha yung phone niya at pinindot ang pause button.

"Ano to?" Takang tanong ko sa kanya.

"Malamang phone. Ano ba sa tingin mo?" Tinaasan ko na naman siya ng kilay. "Minsan lang magbiro napakaseryoso mo naman." Parang kilala ko siya, ano? "Kasi naman, imbis na paulit ulit ako sa mga sasabihin ko, why not irecord ko na lang diba? Gaya nga ng sinabi ko kanina, pangatlo ka na sa nakita ko ngayong araw na gustong magpakamatay. Medyo nakakapagod kaya yung paulit ulit ang sinasabi." Aba! Siya pa ang nagreklamo!

"Sino ba naman kasing may sabi sayo na lapitan mo kami?"

"Konsensiya ko po, kasi naman hindi ko kayo pwedeng pabayaan, baka dalawin niyo pa ako. Kasi alam mo, sa huli pagsisisihan mo rin kung bakit nagpakamatay ka, ako yung huling taong nakakita kaya baka kapag hindi ko ginawa ang tama bangungutin pa ako." Wala na akong masabi sa mga naiisip niya.

Pero...

"HAHAHAHA! You're so funny! Saan ka pinaglihi ng nanay mo?" Tanong ko habang tumatawa pa rin. 

"Sa totoo lang, sa clown."

-_______-

"Seryoso?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Siya naman yung seryoso.

Pero hindi nga? Kung sabagay, itsura pa lang niya nakakatawa na. Let me describe him.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon