Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tawagin si Ta-kun. Halata naman na ayaw niyang mag-usap kami ng Mama niya.
Hindi kasi aksidente lang ang lahat, ang daming katanungan ang pumasok sa isip ko.
Bakit parang ang tagal na akong kakilala ng mama niya? Bakit akala niya, Ta-kun and I were dating? Bakit parang nakita ko na rin siya na hindi naman? Kilala niya kaya ang parents ko? Pero sinong parents? Yung totoo o yung kinilala kong parents?
"Naoki, gabing gabi na, you need to go home and rest. Come on." Sabi ni Ta-kun at pinipilit niya akong isakay sa kotse.
"Wait Ryouta, let me talk to her. It's the right time." Sabi naman ng mama niya. "Come inside Naoki. You need to know everything." Paanyaya niya sakin.
"May kasama po ako, pwede po bang sumama siya sa loob?" Tanong ko naman. Hindi ko pwedeng iwan si Yuichi mag-isa.
Sumilip naman siya sa loob ng kotse. Medyo hindi maganda yung naging expression niya pero binawi niya naman.
"Sure. Come on." Sabi niya.
Tinawag ko si Yuichi. Parang hindi niya rin gusto yung mangyayari. Kasi ang tagal niyang bumaba sa kotse tapos inis pa yung itsura niya. Ayoko naman pumasok sa loob ng hindi siya kasama, kinakabahan kasi ako.
Pagkapasok namin sa loob, namangha ako dahil ang daming paintings na nakasabit sa wall. Meron nga na paintings na alam mong bata ang gumawa.
"Sinong nagpaint nito?" Tanong ko.
"Si Ryouta ang may gawa niyan. 8 years old siya ng mahiligan niyang magpaint dahil ang kaisa-isa niyang kaibigan, ayaw siyang makita." Pagpapaliwanag ng mama ni Ta-kun. "I forgot to introduce myself. I'm Ryouta's Mom, Yuki. Just call me Tita Yuki." Inilahad niya ang kamay niya kaya kinuha ko naman.
"Naoki po. Naoki Yamamoto." Ngumiti siya sakin, isang napakagandang ngiti. "Sino naman po yung kaibigan niya? At bakit naman po ayaw siyang makita?" Tanong ko.
May kinuha siyang isa pang painting sa may drawer. "Siya yung kaibigan ni Ryouta." Pinakita niya sakin yung painting.
"Eh ako po yan nung bata pa ako ah." Sabi ko naman. Hindi ako pwedeng magkamali, ako talaga yung nasa painting, may yakap yakap akong teddy bear, parang yung nasa picture ko dati. Nawawala nga yun ih.
"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa. You and Ryouta were really good friends. 5 years old ka ng magkita kayo. Bestfriends kami ng parents mo." Teka, bakit hindi ko matandaan si Ryouta? "When I said parents, it means your biological parents at ang kinilala mong parents." Nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya ang parents ko? Ibig sabihin ba nito makikilala ko na kung sino talaga ako?
"Naoki uwi na tayo." Biglang sabi ni Yuichi at hinawakan niya ako sa kamay.
"Pero may sasabihin pa si Tita Yuki, kailangan kong malaman yun dahil tungkol yun sa parents ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na to, Yuichi. Please?" Sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sakin. "Hindi ko po kayo maintindihan, pwede po bang sabihin niyo na sakin lahat?" Tanong ko at hindi ko na pinansin si Yuichi.
"Nagtataka ka siguro kasi hindi mo matandaan si Ryouta na naging kaibigan mo. Alam mo Naoki, sa buhay ng tao, kapag hindi mo na siya nakikita at wala na kayong communications sa isa't-isa, may possibilities talaga na hindi mo na siya matandaan. Isipin mong mabuti, bakit ayaw mong makita si Ryouta?" Tanong ni Tita Yuki.
Ayaw ko siyang makita? Bakit ayaw kong makita si Ryouta? Bakit nga ba?
"Don't you dare get out of your house from now on, or else I'll fucking kill you."
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Novela JuvenilThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...