"Ano bang sinasabi mo? Sinong kailangan kong makita?" Inis kong tanong kay Kento.
"Siya ang---" Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya sa bigla kong pagtigil. Napatigil ako dahil may taong humawak sa kabilang kamay ko.
"Huwag kang sumama sa kanya."
Kumunot ang noo ko. Kailan pa siya nakasunod sa amin? Tsaka ito na naman kami, una si Ryouta ngayon naman si Kento. Lahat na lang ng mga taong lumalapit sakin pinagbabawalan niya akong sumama.
"Ano na naman ba?" Inis kong tanong sa kanya.
"Pabayaan mo na kami Yuichi, may gusto lang akong ipakita sa kanya, importante ito." - Kento.
"Wala akong pake kung importante yan. Sa oras na gawin mo yan mapapahamak si Naoki." - Yuichi.
"Ano ba yung ipapakita mo sa akin Kento? Sabihin mo na lang." -Ako.
"Hindi ano, kundi sino. Mas maganda kung magkikita kayo." -Kento.
"Sa ayaw at sa gusto niyo hindi sasama si Naoki sayo." - Yuichi.
Kaya ayun, bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Nabitawan naman ako ni Kento, para siguro hindi ako masaktan. Pero bago kami bumalik sa room, may sinabi pa si Kento sa akin na talagang napaisip ako.
"Six months na lang ang itatagal niya."
Sino ba siya? Kilala ko ba siya? Importante ba siya sa akin? Bakit gustong gusto ni Kento na makita ko ang taong yun?
Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng room namin.
"Bitawan mo na ako Yuichi, hindi na kami aalis ni Kento." Agad niya naman binitawan ang kamay ko at diretso lang ang tingin niya.
"Sa susunod, hindi na kita hahayaan na humarang sa plano ko, Ichi." -Kento.
"Tch!" - Yuichi.
Habang naglelecture ang teacher namin sa history, lutang ang isip ko sa mga nangyari. Nawala na sa isip ko yung letter na nakita ko sa may veranda ko nung nakaraang linggo. Dahil nawala yun sa ilalim ng unan ko, tuluyan na siyang nawala sa isip ko.
Ngayong may nabanggit si Kento about sa taong yun, bigla naman bumalik ang pagkacurious ko sa kung sino ba talaga ako.
Nawala rin sa isip ko yung sinabi ni Cassey sa akin, yung hinahanap na ako ng leader ng Black Rebel, diba si Ryouta yun? Wala namang nabago nung nagkita kami.
At ang isang bagay pa na nalimutan ko, yung tungkol sa project namin! Next week na ang deadline nun ah!
"PATAY!" Oopps!
O/////O
Huwaaaah! Napatayo pa ako! Lahat tuloy sila nakatingin sa akin!
"Ms. Yamamoto? May problema ba?" Tanong ng teacher namin, na nagulat din sa pagsigaw ko.
"Ahm...ano...p-patay si Rizal! Tama! Namatay si Rizal dahil binaril siya!"
O////O
Mouh! Nakakahiya naman ako! Natural lang na namatay si Rizal dahil binaril siya! Alam naman nila yun at hindi yun ang topic namin sa history ngayon! Ang topic namin ngayon ay ang iba't-ibang era!
"Sit down." Huwaaah! Mukhang nagalit ang teacher namin! Sana mag-English na, para masaya, si Sir kasi ang pinakamasayang teacher namin.
After two hours, huwaaaah! English na! Hindi ko man siya favorite subject, because I really suck at English. Masaya naman ang teacher namin. Pero minsan hindi ko siya maintindihan dahil puro kalokohan ang nasa isip. Parang hindi teacher.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
JugendliteraturThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...