"What are you doing here?" she says.
"I came to tell Johanna what was going on." I say "And to ask you for help."
Hep hep hooray! Wala akong kausap! Lalo namang hindi ako yan at hindi ako baliw!
Nagbabasa lang ako ng libro. Insurgent! Grabe ang ganda ng libro na to.
Lalo naman ang kagwapuhan ni Four! Sana ako na lang si Tris!
"Naoki! Bumaba ka na diyan! Kakain na tayo!"
Yan ang sigaw ng napakajoyful kong Mommy.
Only child nila ako pero hindi ako special child!
My name is Naoki Gomez, 16 years old. Hindi kami mahirap. Kung ikukumpara niyo kami sa mayaman. Class A lang kami. May tinatawag pa kasing S Class sa panahon ngayon.
"I'm coming!"
Pure Filipino ako, TH lang talaga ako mag-english. Masama ba? WAPAKELS!
Wala akong friends, bestfriends o kahit ano pang itawag mo na malapit sayo.
Ang totoo nga niyan friendly naman talaga ako. Sa libro at computer.
Lahat na ata ng libro sa mundo nabasa ko na. Hindi rin naman ako outdated kung ano nangyayari sa labas dahil may internet naman kami at TV.
Isang businessman ang Daddy ko at isang....ano nga ba trabaho ni Mommy? Ayun! Manager sa isang restaurant.
Sa pagkakaalam ko, TAKOT AKO SA TAO! Hindi niyo ko masisisi dahil na rin sa trauma na naranasan ko.
Ngayon ko lang napagtanto ang lalim ng sinabi ko! 4th year high school na pala ako!
Sa bahay ako nag-aaral, sa magulat man kayo o hindi naka-enroll ako sa isang school. Special treatment na siguro tawag dun. Siguro sinabi nila na may sakit ako.
Sa Naya High School Academy ako nag-aaral. Sikat na school sa buong bansa. Sabi nila Mommy huwag ko ng tanungin kung paano ako nakapasok doon, kung paano ako nagkakagrade at kung paano ako naging Top 1 sa school na yun.
Walang nakakakilala sa akin, Mystery Girl nga tawag nila sabi ng teacher na nagtuturo sa akin. WAPAKELS!
Tanging si Ma'am Eyah at ang Principal na hindi ko kilala ang nakakakilala sa akin.
Ito pa! Student Council President ako since first year! Paano nangyari yun? Si Ma'am Eyah lang kasi ang Adviser namin dun. Siya na rin ang nagsabi sa ibang Student Council Officers kung anong kalagayan ko.
"Naoki ayaw mo talagang pumasok?" Tanong ni Daddy.
"Daddy ilang beses ko bang uulitin na ayoko?"
"Paano na kapag college mo? Wala ka pa rin balak pumasok?" Singit naman ni Mommy.
"Last year mo na sa high school, ayaw mo pang i-enjoy? Hindi mo mararanasan ang tunay na saya." Nagdrama na naman si Daddy.
Ayan na naman sila, hindi na sila nagsawa sa pagpilit sa akin para pumasok.
Kwento ko na nga sa inyo kung bakit ang laki ng takot ko sa ibang tao.
*FLASHBACK*
"Welcome to Naoki's 7th Birthday!" -MC
"HAPPY BIRTHDAY NAOKI!"
'Yan ang mga naririnig ko sa kanila kapag nasasalubong ko sila.
Hindi naman sa boring, every birthday ko kasi may party! Nakakaumay na kaya!
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Novela JuvenilThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...