T,F 16: Hide and seek?

32 2 0
                                    

May dalawa kaming bagong classmates, isang babae at isang lalaki. Hindi namin alam kung magkapatid sila dahil parehas sila ng kulay ng buhok.

At sa hindi malamang dahilan, inagawan ng transferee na lalaki si Shin ng upuan. Ang nangyari, naging katabi ko siya.

"I'm Nami Yamamoto, 16 year old. Daughter of Lavinia Yamamoto."

Nasagot agad ang tanong ko nung nagsalita yung babae. Hindi sila magkapatid. Sino siya? Hindi agad nag-sink in sa utak ko yung last niyang sinabi.

Kagaya nung lalaki, tumingin siya sa akin pero hindi nakangiti, ang sama ng tingin niya sa akin. Parang magkakaroon ng Aiden the second sa room na to ah.

Binawi niya agad ang tingin sa akin at nilipat niya iyon sa taong nasa dulo na walang pake kung sino man ang mga bago naming classmates. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

Rinig na rinig ang lakad ni Nami, dahil lahat kami ay tahimik. Hindi kami makaget-over sa nangyari. Napakabossy kasi nung mga bago naming classmates.

Palapit siya ng palapit sa way ko. Kinakabahan ako, baka ako naman ang palipatin niya ng upuan, ayoko nga! Maganda na ang pwesto ko para agawan niya.

Lumuwag ang nagsisikip kong dibdib nung lumampas siya sa akin. Nagulat ako nung nasa likod ko lang siya.

"Will you please get another chair for you?" Sabi niya na seryosong seryoso ang mukha.

"Bakit para sa akin? Hindi ba't para sayo? Huwag mong sabihin na aagawan mo rin ako ng upuan?" Masungit na sinabi ni Yoshio. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan sa isang babae.

"You'll get or I'll tell Lola Lavi that you aren't following my orders."

"Tss, fine Ms. Fake." Pabulong na lang yung huli niyang sinabi pero rinig ko pa rin dahil nasa harap niya lang ako.

Wala ng nagawa si Yoshio dahil narinig niya ang name ni Grandma. Agad naman siyang tumayo at lumipat sa tabi ni Shin. Dalawa na silang nahiwalay sa akin.

"Hi, what's your name?"

Lumingon pa naman ako sa kanya dahil akala ko ako ang tinatanong niya pero fail. Si Yuichi pala ang kausap niya.

Sumilip ako kay Yuichi at nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Sa akin nga ba? Hindi ako pwedeng magkamali dahil hindi naman ako nahaharangan ni Nami.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko biglang uminit ang pisngi ko. Hala! Bakit kaya siya nakatingin sa akin? Problema nun?

Hindi ko siya narinig na nagsalita. Mahihirapan lang si Nami, hindi niya pa kilala si Yuichi. Malamang snob yan.

Natapos ang first and second subject namin. Freetime na! Nakaka-excite dahil may mga bago na akong friends.

"Naoki tara na!" Sigaw sa akin ni Mayumi na ngayon ay nasa may pintuan na may kasamang dalawa pa naming classmates.

Pumunta naman agad ako sa kanila, kaya pala tumango sila Shin at Sushi kanina ay para ipaalam sa akin na excuse muna ako bilang si Soul.

Nang makalapit ako sa kanila, agad na pinakilala ni Mayumi ang dalawa niya pang kasama sa akin.

"Naoki ito si Rhai at ito naman si Mikan. Guys si Naoki, new friend sa ating munting circle of friends." Nakataas pa talaga ang kamay ni Mayumi habang sinasabi niya yun.

Nakipagshakehands ako sa kanila at dumaretso na kami sa cafeteria. First time kong makasama sa ganitong circle of friends.

"Ask ko lang Naoki, huwag ka sanang magagalit ah, ahmmm...paano yun? Sabi ni Nami siya ang apo ni Mrs. Yamamoto, but ang sabi sa amin ay ikaw. Sino ba talaga?" Naguguluhang tanong ni Rhai.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon