Ehem! Mukhang naligaw ako sa Olympus ah! Sabihin niyo nga sa akin, ganito na ba talaga sa panahon ngayon? Dumadami ang gwapo!
"You're always welcome, I'm Ryouta and you are?" Kasing gwapo niya ang pangalan niya. How I wish, ako na lang ang girlfriend niya. Huwag nga kayo, marunong din ako lumandi pero sa isip lang. Tsaka kanina ko lang natutunan.
"Naoki, bukas ko na lang isasauli 'tong panyo mo, lalabhan ko muna." Balik sa dati yung tono ng boses ko, pati yung poker face kong mukha.
"Nah. Sigurado ka? Ikaw maglalaba?" Napatingin naman ako sa kanya, anong masama? "I mean, pwede naman na palabhan mo na lang, well, huwag na pala, sayo na lang yan." Yun nga sana ang balak ko, kunwari nakalimutan ko. Hanggang sa makalimutan mo na rin na may panyo ka sa akin.
"Okay." Waaah! Gusto ko siyang kausapin ng kausapin!
Teka lang, kung nandito siya, kanina pa? Ibig sabihin nakita niyang ako si Soul? Wala naman kasing ibang tao dito na pwedeng pagkamalan niyang si Soul. Plus hawak ko pa yung paper bag na ang laman ay ang damit ni Soul.
Huwag niya lang tangkain na kuhanin sa akin ito.
Tumingin siya sa akin at badum badum badum na naman ang puso ko, nakatitig kasi siya. Kailangan nito?
"Sabay na tayo, babalik ka na sa room diba?"
"Oo, classmate ba kita?"
Bigla naman siyang tumawa ng tumawa, hawak pa ang kanyang tiyan kakatawa niya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Oo, tama nga sila, wala ka ngang pake sa paligid mo. LOL. Tsaka absent ako kahapon." Oh? Tapos? Ang gusto kong malaman kung bakit siya tumawa. Kumunot uli ang noo ko sa kanya. "Natawa lang ako sa way ng pagsasalita mo, para kang hindi babae, siga ah." Nahalata niya pala yun.
At yun pala yung tinatawa niya, ang babaw naman ng kaligayahan nito. Naging instant clown ako ng wala sa oras ah. Sa gwapong si Ryouta pa.
"Bakit ka absent?" Ang awkward kasi bigla. Ikaw ba naman maka-encounter ng ganito diba? Bigla bigla na lang tumatawa.
"Kasi gwapo ako?" Tumawa na naman siya, ano ba 'to! "LOL. Huwag kasing nakakunot ang noo, natatawa ako sa itsura mo." Ah! Dahil pala doon, bakit ba? Kahit sino kukunot ang noo sa kanya. "May inutos lang si Dad sa akin about business." Ah! Kaya pala, business. Hilig niya sa 'LOL'.
Buti na lang wala pang pinapagawa si Grandma sa akin. Pagiging member pa nga lang ng Six Immortals hindi ko na kaya, paano pa kung nanalo ako bilang president, naku!
"15 pala tayo sa Class S." Kasi 14 kami kahapon plus siya pa ngayon. Hindi na masama, nakabuo kami ng basketball team.
Bakit kaya hindi siya kasali sa Six Immortals? Halata naman na mas gwapo siya kay Yuichi ah! Habulin talaga ang itsura niya idagdag mo pa na Class S yung section niya.
"I hope manalo ka bilang president." Paano niya nalaman na nag-apply ako? Stalker ba siya? Pero hindi niya naman ako kilala kanina. Baka nasabi ko kanina?
"Paano mo nalaman?"
"Nanghula lang ako, ang lalim kasi ng iniisip mo." Tingin sa akin sabay wink.
Alululu! May kindat kindat pa siyang nalalaman, lumalabas ang pagkaplayboy niya ah, hindi yan tatalab sa akin.
"Wapakels."
"I see, that's your favorite word huh." Tinaasan ko siya ng kilay, I smell something fishy ah! Kanina angel pa ang ugali niya ngayon may feeling ako. "Kapag hindi ka nanalo, libre pa ang club namin ah." Meron pang isa? Kanina lang kakasabi niya na 'I hope manalo ka', sinasaniban ba siya?
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...