T,F 27: Tatsuya Koji?

27 2 0
                                    

KOJI

Tatlong araw ng nakakulong si Naoki sa kwarto niya, ibig sabihin tatlong araw na siyang absent, pero updated pa rin siya sa mga practice dahil kahit ayaw niya, kinukwento ko kung anong balita. Bumalik na kasi siya sa mansion. Hindi na rin naman kasi nagtagal at inilibing na si Shaun.

Ako ang nahihirapan sa tuwing nakikita kong tulala si Naoki at bigla na lang iiyak. Hindi namin siya makausap ng matino, kumakain siya pero nakakadalawang subo lang at ayaw na niya. Papatayin niya ba ang sarili niya? Gusto niya bang sumunod kay Shaun?

Aaminin ko, naging ganito rin ako nung namatay si Keji, pero hindi naman sa point na gusto ko siyang sundan. Pinagpatuloy ko ang buhay ko dahil alam kong matutuwa si Keji kapag ginawa ko yun. Hindi ko rin masisi si Naoki dahil dalawang beses na siyang nawalan ng mahal sa buhay plus hindi pa namin makita kung na saan si Grandma.

"Naoki..." Banggit ko sa pangalan niya pagkapasok ko sa kwarto niya. Pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Nasasaktan ako sa totoo lang. "Kumain ka na." Nilapag ko lang ang pagkain niya sa table. Maya-maya ay kumain din siya at gaya ng sinabi ko, konti lang ang kinain niya at bumalik na siya sa pagkakahiga niya. "Naoki, please? Bumalik ka na sa dating si Naoki." Bigla na lang yan lumabas sa bibig ko.

"Dati na akong ganito, diba?" Buti nagsalita siya.

Napaisip ako sa sinabi niya, oo nga naman. Ganitong ganito siya nung unang araw niya sa mansion. Hindi niya kami pinapansin, magsasalita siya pero ang cold naman. Ayoko ng maulit pa yun, nabago na namin siya, yung pagiging matapang niya ang minahal ko at hindi ito, nagiging duwag siya na harapin ang katotohanan. Hindi ko na talaga kaya.

"Mahal kita Naoki." Lahat gagawin ko sumaya ka lang.

"......." Wala akong nakuhang sagot, kahit nga tingnan niya ko hindi niya magawa. Wrong timing ba? Matagal ko na kasing gustong sabihin to sa kanya. Paano ko ba siya nagustuhan?

Ito kasi ako dati...

*FLASHBACK*

8 years ago...

Habang naglalakad ako kasama si Mama, hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga babaeng nasasalubong namin. Ang totoo niyan, nagagandahan talaga ako sa mga babaeng nakikita ko, No. 1 fan ako ng kababaihan. Hindi ako bakla, sadyang mahal ko lang talaga ang mga babae dahil sa sobrang ganda nila, maayos tingnan, napakalinis at higit sa lahat dahil kay Mama. Nirerespeto ko sila.

Papunta kami sa isang party, that time hindi ko kasama si Keji ang kakambal ko, kasi kasama niya si Dad sa ibang party naman.

Iniwan ako ni Mama sa isang table dahil kakausapin niya lang daw yung magiging partner ng company namin. Dahil bata, syempre hindi ako nag-aksaya ng panahon at kumain ako ng kumain. Pero maya-maya bigla na lang akong nahilo at may lumapit na matandang babae sakin. Though maganda siya, I can say she's in her late 20s. Inalalayan niya ako papunta sa isang room.

"Hey darling, may alak yung kinain mong cake kanina that's why you're dizzy." Sabi niya with her nakakadiring voice. Sa totoo lang, kinabahan na ako at sa unang pagkakataon na hindi ko nagustuhan ang isang babae.

"Let me go..." Nanghihina kong sinabi dahil hilong hilo talaga ako. Adults party nga pala ang pinuntahan namin kaya natural lang na may alak yung cake. "Hinahanap na ako ni Mama..." Sabi ko uli.

Balak ko na sanang tumayo kahit hilong hilo na ako, pero bigla na lang siyang sumampa sa akin, kahit 10 years old pa lang ako, malaki na ako na parang nasa 15 years old na. At itong babaeng to, maliit lang siya kung tutuusin kasi mas matangkad ako sa kanya.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon