Eto na!
Eto na!
Aaaaaah! Dooby-dooby-doo waaaah!
My gosh! Ang aking pimples feeling ko tutubo uli sa sobrang kaba ko! Ngayon na kasi ako papasok sa school!
"Relax Naoki, hindi naman sila nangangain." Pagpapalakas ni Koji sa akin.
Inhale.....exhale!
Paulit-ulit kong ginagawa yan dito sa loob ng kotse habang nasa biyahe kami. 30 minutes away ang layo ng school sa mansion, plus ang 5 minutes away na layo ng gate sa mansion talaga.
"Naoki, classmate naman tayo, huwag ka na lang aalis sa tabi ko." Sabi naman ni Sushi na nakahawak sa kamay ko.
Sanay na akong hawakan nila ang kamay ko, sa ganitong paraan kasi natatanggal yung takot ko.
"Hindi sila mahilig sa pancake, huwag kang mag-alala." Kilala niyo na may sabi niyan.
"Ikaw lang kasi ang mahilig sa pancake." Pang-aasar ni Kuya Junichi.
"Tigilan mo ako Junichi! Hindi porque mas matanda ka sa akin ganyan ka na ah!"
"Masyado ka namang defensive Yuichi, huwag kang mag-alala, araw-araw pancake ang breakfast mo."
Nagtawanan kami sa sinabi ni Kuya Junichi, kitang kita kasi ang asim sa mukha ni Yuichi.
Noong una akala ko sila ang magkapatid, dahil yun sa pangalan at kita naman na close sila.
Tumigil na yung kotse namin sa tapat ng isang mala-palasyo na bahay, ay mali, school pala siya.
Sa oras na nakababa ako sa kotse gumulo na buhay ko.
Ito ang Naya High? IBANG IBA SA PICTURE! Ang nakita ko sa picture isang ordinaryong school lang siya. Tapos napatingin ako sa paligid at nakita ko yung tinutukoy ko sa picture.
"Ano yun?" Turo ko sa building sa hindi kalayuan.
"Ah, cafeteria yun." Walang ganang sagot ni Yuichi.
Pero ako, eto, nga nga ang isip ko, ayokong makita nila ang super inosente kong mukha.
Bago kayo mahuli sa balita, kaming tatlo lang ni Sushi at Yuichi ang bumaba dahil sa susunod na block pa yung apat. College na kasi sila.
Habang papasok kami sa loob, hindi maalis yung tinginan ng mga students sa amin, or sa akin lang?
"Knight Yuichi is here!!"
"OMG! He's so handsome!"
"I want to marry that guy!"
"Knight Sushi is so cute!"
"But, where's Mochie?"
Ayan ang mga bulungan na naririnig ko, english ba dapat? Ang sosyal naman dito!
"Who is she?"
"She's walking besides the two Knights!"
Ano bang sinasabi nilang Knight? Isa pa talagang chismax ng mga to papatulan ko na sila.
Tiningnan ko si Yuichi pero diretso lang ang mukha niya at poker face lang. Si Sushi naman, ngumingiti siya sa mga nag-Hi sa kanya.
Ang bastos talaga ni Yuichi kahit kailan, sayang naman yung efforts ng mga babae.
*BOOGSH*
Napatingin ako sa bumunggo sa akin, ay hindi pala, tinulak pala siya, umagang umaga may bully?
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...