SHAUN
Ngayong alam na ni Naoki ang lahat, na si Nami ang may plano ng mga nangyayari, kailangan ko ng gumawa ng paraan para mabawi ang kapatid ko, nadamay pa ang lola ni Naoki. Tama ba ang naging desisyon ko?
Ang plano ko kasi, hahayaan kong makuha niya ang kapatid ko at makuha ko naman ang tiwala niya sakin. Tapos papapirmahin ko siya sa kontrata na bayad na kami sa utang namin na 37 million na walang nangyayaring masama sa mga mahal namin sa buhay.
Pero nagkamali ako, siya nga pala si Nami Kirigawa, hindi siya tunay na Yamamoto, pangsiyam sila sa mga mayayaman dito. Kailangan ko na ang pirma niya, dalawang linggo na lang ang itatagal ko dito, hindi pwedeng maiwan ko sila na walang nangyayari sa plano ko.
Kaya ngayon, humingi ako ng konting oras pa sa Panginoon, kahit isang araw pa na dagdag sa buhay ko, please, magawa ko lang ang dapat kong gawin bago ako mawala.
Wala na akong piniling oras, sinamantala ko ang oras na ito habang tulog si Naoki, tinawagan ko si Nami at sinabing magkita kami sa malapit na coffee shop dito sa hospital, nagpaalam din ako kay Chard at sinabing wag sabihin kay Naoki kung na saan ako, siya na lang ang gumawa ng paraan para hindi malungkot si Naoki.
Ngayon lang uli ako nakalabas ng hospital, nakakapanibago talaga, lalo na yung amoy.
Sumakay na agad ako ng taxi, konting lakad lang pero pagod na pagod na agad ako. Ang hina na rin ng tuhod ko, sana magawa ko pang makabalik ng maayos mamaya, para hindi mag-aalala si Naoki.
Kahit hindi niya ipakita, nararamdaman kong sobra siyang nag-aalala sa kalagayan ko ngayon, paano kung mawala na ako? Hindi ko na siya mapapatahan sa pag-iyak, hindi ko na siya mahahalikan sa noo, hindi ko na siya mayayakap ng mahigpit at hindi ko na masasabi kung gaano ko siya kamahal.
"Sir, nandito na po tayo." Naputol ang pagdadrama ko sa isip ng biglang magsalita yung taxi driver.
Nagbayad ako at bumaba na, binilisan ko na lang ang lakad ko papasok sa coffee shop, dahil sobrang aga pa, konti pa lang ang tao at agad kong nakita si Nami.
Umupo ako sa upuan sa harap niya na siyang kinagulat niya.
"Ano ba Shaun! Balak mo ba akong patayin sa gulat?" Inis niyang sabi sakin.
"Oo, bakit angal ka?" Pang-aasar ko naman.
"Huwag ka ng magpaliguyligoy pa, ano bang kailangan mo sakin? Nga pala, buti nakalabas ka ng hospital na hindi kasama ang babae mo?" Pasalamat siya at babae siya, kundi kanina ko pa siya nasapak.
"Hindi siya babae ko lang, mahal ko siya tandaan mo yan. Tinawagan kita dahil gusto kong pirmahan mo na ang kontrata na to, ang usapan natin pipirmahan mo ang 25 million kapag nakuha mo na si Shin, ngayon nakakatatlong linggo na pero hindi mo pa rin napipirmahan." Kumunoot ang noo niya sa sinabi ko, akala niya ata nakalimutan ko na dahil hindi ko siya kinukulit tungkol dito.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Подростковая литератураThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...