T,F 34: Meet Kuya Yoshimi?

15 1 0
                                    

CASSEY

After nung play, back to normal na uli ang lahat. Busy na uli para sa exams o sa ibang mga projects. Pero dahil Class S kami, at the end of semester pa ang major exam namin kaya hayahay ang buhay namin.

Speaking of hayahay, kamusta na kaya si Mieru? Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng yun.

*FLASHBACK*

Yay! Ang sarap maligo kapag gabi! Bukod sa malamig ang tubig, ang tahimik pa. Hindi tulad kapag umaga, ang init. Baliktad kasi talaga utak ko kaya nasabi kong mainit sa umaga.

*RINGGGG!*

11pm? Sinong tatawag ng ganitong oras sa akin? Impossible na si Yoshio ang isang to.

Pagtingin ko.

Mieru lang pala, akala ko pa naman makakatulog ako ng nakangiti ngayon. Well, nakatulog naman ako ng nakangiti after nung play, pero after that, back to normal din ang pakikitungo ni Yoshio sakin.

Me: Ye---

Mieru: Huwaaaah! Miss na miss na kita Cassey! Kamusta ka na? Kayo na ba ni Yoshio? May progress ba after niyong magpunta sa bahay ng grandparents niya? Hindi ka na kasi tumawag sakin eh! Kamusta yung play? Panuod ako nung video! Si Naoki? Kamusta na sila ni Yuichi? Tapo---

Me: WAIT! Hinga ka muna Mieru, pwede?

Mieru: Sorry, sobrang excited lang ako.

Me: Bakit kasi umalis ka pa eh.

Mieru: Ahh...ano...pass muna diyan.

Me: Alam mo Mieru, kung palagi mong tatakbuhan ang problema mo, hindi ka titigilan niyan, hahabulin ka niyan kahit pagod ka na. Bakit hindi mo kalabanin yang problema mo? Malay mo matalo mo siya at kusa siyang tumakbo palayo sayo, edi everybody happy diba? Problema lang yan, TAO ka.

Mieru: Hindi ganun kadali yun sa situation ko Cassey. May part kasi sakin na alam kong tama yung gagawin ko pero mabigat ang magiging resulta nito. May nagsasabi naman sa katauhan ko na lumayo ako para sa ikatatahimik ng lahat.

Me: Tama pero may mabigat na resulta? Ano naman yun? Natatakot ka na malaman ng lahat na nabuntis ka sa murang edad? Mabigat dahil pag-uusapan ka ng lahat at marumi ang tingin nila sayo? Mieru remember the saying "Don't judge the book by its cover." and the word "Trust" that you should give to him. Hindi lahat ng tao ganun ang tingin, andito kaming mga kaibigan mo para bantayan ka, alam namin at alam mo na hindi ka naman iiwan ni Koji diba?

Mieru: Alam ko naman yun...

Me: Yun naman pala, ano pang pumipigil sayo? Bakit ayaw mo pang bumalik dito? Maraming naghihintay sayo dito, hindi lang ako.

Mieru: Kasi...[Sweetie, tara kain na tayo ng dinner.] Ahh, sige! Cassey, next time na lang uli ah.

*END OF FLASHBACK*

That was our conversation. Hindi ba't ang gulo niya? Gusto ko siyang puntahan agad agad at sabunutan para maalog ang utak niya. At sino yung tumawag na Sweetie sa kanya? The hell! Pinagpalit niya agad si Koji?

Ayokong magjump into conclusion na ganun nga. Pero hindi ko rin maiwasan dahil ang sweet ng tawagan nila. Woah! Ano yun? Repeat the history? Kagaya ng sa ate ko? But in a different way.

Haysss...Saka na nga yun ang isipin ko, ang mahalaga ngayon, yung mission ko na ibalik sa dati ang kuya ni Yoshio na si Kuya Yoshimi.

Pupunta ako sa bahay nila ngayon, pero hindi alam ni Yoshio, kaya sinigurado ko na hindi siya pupunta ngayon sa bahay nila.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon