TEIJI
Drey?...
Imposible!
Patay na si Drey! Hindi ako pwedeng magkamali, kahit 7 years na ang nakalipas, itong mukhang ito ang nakita ko.
Nakita kong mahimbing na natutulog at wala ng pag-asang magising.
"Drey...Paano..."
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Gusto kong makasiguro na hindi panaginip ang lahat ng ito.
"Long time no see Teiji. Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong niya sa akin. "Siguro nagtataka ka kung anong ginagawa ko dito imbis na nasa langit ako o baka naman ang nasa isip mo ay impyerno?" Sabi niya pagkatapos ay tumawa siya.
"Pero Drey...Paanong ikaw ang nasa harap ko ngayon? Huwag mong sabihin..." Sana mali ang asa isip ko.
"Gusto mo bang malaman? Pwes, sasabihin ko sayo."
*FLASHBACK 7 YEARS AGO*
Uggh! Science ang pinakaayaw kong subject! Bukod sa puro complicated ang mga experiments, once na magkamali ka uulit ka sa umpisa at hindi lang yun, may kasama pa siyang computations.
>.<
Sino ba kasing nakaimbento ng subject na to? Hindi ba pwedeng kung sino lang ang may gusto siya lang ang aattend sa klase?
"Renso, magcutting na lang kaya tayo?" Sabi ko sa bestfriend ko.
"Teiji, last meeting na natin to, tiisin mo na lang, baka ito pa ang dahilan para pumasa tayo." Pero tinatamad na talaga ako.
"Ano pa bang milagro ang gusto mong mangyari? Sa lahat ng experiments natin wala naman tayong nagawang success." Napakamot tuloy ako sa buhok ko.
Pangsampung experiment na ito pero palagi kaming palpak. Sinusunod naman namin kung anong nakalagay sa instructions pero bakit??
"O sige ganito na lang, papanuorin na lang muna natin sila tapos saka natin gawin ang experiment natin." Bakit kasi kaming dalawa ang magkapartner. Wala kaming future ditto.
"Ikaw na bahala, susunod na lang ako sa iuutos mo." Hayyyss. Lagot ako kay Ate kapag bumagsak ako dito.
After an hour...
Kami na lang dalawa ni Renso ang naiwan sa laboratory dahil natapos na nila ang mga experiments nila. Buti pa sila sure pass na!
"Ok gagayahin lang natin yung ginawa nila ah, buti na lang kinuhanan din natin ng video para sure." Ikaw ng bahala Renso.
Dahan dahan naming sinunod ang napanuod namin sa video. Kahit uwing uwi na ako, dapat kong tapusin ito para pumasa kami.
Habang ginagawa namin ang experiment namin. Napatingin ako saglit sa may pinto dahil may naaninag ako.
Nakita ko si Andrey na pinapanuod kami.
Introvert siya at ang natatanging walang kapartner sa experiment. Gusto man namin ni Renso na isali sa amin, siya na mismo ang tumanggi.
Napailing na lang ako, bakit kasi ayaw pang aminin na gusto niya rin ng kaibigan.
Malapit na sana kaming matapos sa experiment namin, ng biglang may hindi inaasahang pangyayari.
Natabig ni Renso ang extension na gagamitin namin at nahulog ito, hindi namin alam kung bakit na lang siya biglang nag-apoy at dahil nga extension siya mabilis itong nakaabot sa saksakan.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...