JUNICHI
Matapos ang napakatagal na pagstay ko sa hospital, sa wakas nakalabas din.
Hindi naman kasi talaga big deal ang nangyari sakin, pagkagising ko okay na ako, si Tamtam kasi ang OA.
Ngayon naman, nagpeprepare kami para sa birthday ni Sushi bukas.
Gustuhin man namin siya mapasaya ng todo ay hindi namin magagawa dahil hindi naman namin alam kung na saan si Nami.
Pero sabi okay lang daw siya. Hindi ako naniniwala. Magaling na observant si Sushi pero hindi siya magaling magtago ng nararamdaman niya.
Lagi na niya uli kasama si Mochie dahil palagi siyang nalulungkot.
"Kuya pwede po bang makita ko yung mga list ng bisita?" Tanong ni Naoki.
"Bakit?" Nacurious ako eh.
"W-wala naman. Baka kasi may nakalimutan kang ilagay, titingnan ko lang." Hindi na ako nagtanong dahil alam ko ng may binabalak si Naoki.
"Ito oh, sige iwan muna kita. May aasikasuhin lang ako." Paalam ko sa kanya.
Tumango lang siya kaya umalis na ako.
Hindi ko isinama ang pangalan ni Kenichi sa listahan.
Dahil hangga't maaari ayoko pang makita ang pagmumukha niya. Hindi naman sa bitter ako sa ginawa niya.
Ayoko lang magkagulo sa birthday party ni Sushi, malungkot na siya tapos ganun pa mangyayari.
Iniisip ko lang naman kung ano ang mas nakakabuti para sa kanila bilang isang kuya.
"Makinig kayo sakin. Huwag na huwag kayong magpapasok na kahit na sinong connected kay Kenichi. Kilala niyo naman sila, hindi ba?" Sabi ko sa mga butlers namin.
"Yes Young Master." Sagot naman nila.
"Isecure niyo lahat ng pwede nilang pasukan na butas. Ayokong may maririnig ako na nakapasok kahit isa sa kanila." Kahit maghire pa ako ng 100 na butler mabantayan lang ang mansion, gagawin ko.
"Yes Young Master." Sagot uli nila.
"Oras na may mangyaring kakaiba, tawagan niyo agad ako." Paalala ko sa kanila. "Ayokong gagawa kayo ng walang consent ko." Masama na kapag napangunahan ang plano ko.
"Yes Young Master." Pagkasagot nila ay umalis na ako.
Binisita ko yung mga lugar kung saan pwede nilang pasukan na walang nakakaalam sa mga bisita.
Sarado na lahat, at babantayan naman nila yun bukas.
Pagkatapos ng mga nangyari, hindi na ako makapag-isip ng tama.
Feeling ko nandiyan lang sila sa tabi-tabi at binabantayan lahat ng mga kilos namin.
Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na nabunggo ko na pala si Tamtam.
"Aw!" Sigaw ko pagkasuntok niya sa sikmura ko. Sadista talaga.
"Gusto mo sikmuraan kita?" Tanong niya.
"Nagawa mo na kaya itatanong mo pa." Kapag ako hindi nakatiis hahalikan ko to bigla eh.
"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo hindi yung tulala ka, makakatikim ka talaga sakin." Nagbanta pa.
"Oo na po boss. Nga pala, kamusta yung ginagawa mo?" Tanong ko. Siya kasi yung nag-asikaso sa pagdistribute ng invitation.
"Ako pa ba? Malamang tapos ko na kanina pa." Pagmamalaki niya.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...