T,F 10: Adonis?

30 2 0
                                    

Omo! Bakit sa lahat ng malilimutan ko yun pa? Yung bagay na dapat dahilan ko para hindi maging member ng club na ito!

Nagtago ako sa likod ni Shin para hindi ako makita ni Yuichi at Sushi.

Si Sushi kasi yung pumasok at nagtanong kung sino ang bagong member, nakasunod lang si Yuichi sa kanya. Ako lang naman yun at si Shin. Paano kapag nalaman niyang ganito itsura ko?

*Imagination*

"Naoki? Is that you? Hahaha! Mukha kang tanga!"

"Pwede ba? Wapakels!"

"Pinatunayan mo sa akin na Pancake ka talaga!"

"Wapakels!"

"Kahit anong gawin mo, wala ka pa rin sa akin. You're still the pancake, the ignorant pancake."

*End of Imagination*

Aish! Alam niyo naman si Yuichi, yung pampers na yun. Hindi ko nga alam kung bakit mas lumala yung pagkainis niya sa akin.

Naalala ko tuloy yung kanina, paano nga ba kami nakasurvive?

*FLASHBACK*

"Ugh..." Nakarinig ako ng kung anong sound na yun, pero wapakels talaga kasi ang sakit ng ulo ko.

Bigla namang sumakit ang leeg ko, kaya naman binuksan ko yung mata ko, kaya pala, nakadapa ako.

O_____o

Nakadapa?

Tiningnan ko yung paligid ko, ang taas naman ng kama sa akin, nahulog ba ako habang natutulog?

Inalala kong mabuti yung nangyari nung party at laking gulat ko ng maalala ko lahat.

Tumingin naman ako sa lalaking ginawa kong kama, napalunok ako sa takot dahil gising na pala siya at ang sama na naman ng tingin.

"S-sorry...." Sabi ko, hindi naman ako makatingin dahil ang lapit ng mukha niya, kapag humarap pa uli ako mahahalikan ko na siya.

"Hindi ka pa ba tatayo? Masakit na ang likod ko, first time kong mahiga sa sahig tapos nandiyan ka pa sa ibabaw ko, baka gusto mong ako pa magtayo sayo?"

"Ay sorry, tatayo na." Hindi ako makapagsungit sa kanya dahil takot na takot ako sa boses niya.

"Sa susunod, huwag kang iinom kung hindi mo kaya ha? Alam mo ako kasi yung nahihirapan."

Nauntog lang ang ulo niya mas lumala naman pagkasungit niya, akala ko pa naman kapag nauntog magkaka-amnesia, hindi pala.

*KNOCK KNOCK*

Napatayo na kami agad ni Yuichi dahil sa may kumatok. Hala! Dito natulog si Yuichi! Ano na lang iisipin nila?

"Naoki? Gising ka na ba? Kakain na, iinom ka pa ng gamot, may hang-over ka pa." Yun ang pinakamahabang sinabi ni Teiji na walang nagtatanong sa kanya.

"O-oo! Maliligo lang ako!" Sigaw ko naman, hindi naman siya pumasok, kaya hindi niya nakita si Yuichi.

"Sige, sasabayan na kita kumain, nauna na sila eh, mga atat."

Natuwa ako sa sinabi ni Teiji, first time talaga to, tinupad niya yung wish ko.

Pasimple akong napangiti habang papunta sa restroom, bahala na si Yuichi lumabas mag-isa niya.

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon