Kahit nasa mansion kami, hindi kami nagpapansinan ni Pampers. Wala namang nagtatanong dahil alam nila na ganito kami palagi. Kaya niya lang ako papansinin para mang-asar. Pero dati yun.
Tumagal ang isang linggo na ganito kami palagi. Masaya naman ako, dahil nagkaroon ng peace ang paligid ko.
Yung about naman sa pagiging president ko, well, good news dahil hindi ako panalo. Bawas trabaho!
"Naoki, may good news ako sayo." Ano naman kaya ang good news na sinasabi ni Koji?
"Ano yun? Siguraduhin mong sasaya ako diyan." Tumingin ako sa kanya at nakangiti ang loko.
Nasanay na rin ako sa kanila na minsan sinasaniban sila ng masamang espiritu. Yung tatawa na lang bigla, yung nakangiti kahit wala naman dahilan yung pagngiti nila. Minsan napapagaya na lang ako.
"3 months akong seat-in sa inyo, diba masaya yun?" Taas-baba pa yung kilay niya.
"Hindi lang ikaw Koji, pati ako at hindi lang 3 months, 5 months pa."
"Koji and Teiji? Pero bakit? College na kayo at wala namang problema sa grades niyo ah." Tanong ni Kuya Junichi, siya at si Yoshio na lang kasi ang mahihiwalay sa amin kung totoo man ang sinasabi nung dalawa.
"Nagrequest ako kay Grandma, sabi ko mas mabuti kung kasama ko si Naoki." Nakangiting sabi ni Teiji.
OMO! Nirequest niya talaga yun? Ang saya naman! Classmate ko sila? Mukhang mas sasaya ang last year ko sa high school ah.
Ganun din naman reason ni Koji, hindi naman daw nagdalawang isip si Grandma sa request nila.
Sabi nila hindi naman mahirap humabol sa mga subjects na naiwan nila, edi sila na genius!
"Hindi kami papayag, dapat kami din." Singit ni Yoshio, akala ko busy siya sa pagkain. Nakikinig pala siya sa usapan namin.
"Hindi na ako makapaghintay!" Sabi ko sabay group hug sa kanila.
Kinabukasan....
"Kyaaaah! The four Knights are back!"
"Ito na ang pinakamasayang taon ko!"
"Sulit ang pasok ko!"
"Irecord na dali!"
Kung matatanong niyo, yung record na sinasabi nila, ay kung anong bago ang meron sa academy, lalo na kung kasama ang Six Knights. Walang iba kundi ang anim na lalaking kasama ko sa bahay.
Nasabi ni Teiji na may ka-level pa sa kanila. Tama nga, yun ang Black Rebel, lahat lang naman sila ay talented, lahat ng gwapo na makikita mo nasa kanila na.
Pati sila kinukuhanan ng video at binebenta sa mga students dito. Ang gusto ko lang yung album nila. Rock band sila kaya gumawa na rin sila ng sariling album para sa academy.
Mas naging magulo pala ang buhay ko nung pumasok sila Teiji, Koji, Yoshio at Kuya Junichi.
Sila pala ang founder ng Six Immortals, hindi na ako magtataka, ginagamit lang nila ang itsura nila, bakit hindi na lang sila mag-artista?
Dahil nga nagrequest sila na maging classmate ko, hanggang sa makagraduate na ako, ibang klase talaga! Hindi ko talaga alam kung ginagayuma nila si Grandma o tinatakot, bilib lang talaga ako sa mga naiisip nila. Yun na nga, nadagdagan ng apat yung bilang sa section namin. 19 na kami, twelve na lalaki at pito na babae.
Hindi naman nabago yung sitting arrangement, sa may bintana pa rin ako, pero napapalibutan lang ako ng walong lalaki. Bahala na kayo kung paano niyo i-dedescribe, basta wala akong katabi na babae.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...