SUSHI
Pangalan pa lang yummy na.
Pero hindi ito yung big deal dito, ang sa akin lang, bakit nga ba ang galing ko magbigay ng payo sa ibang tao pero sarili ko hindi ko mabigyan?
Bakit ang lagi kong tanong...
PAANO KUNG AKO YUN?
PAANO KUNG SA AKIN MANGYARI YUN?
PAANO KUNG HINDI KO MAKAYA?
Kapag naiisip ko na ako yung nasa position nila, hindi ko maimagine kung makakaya ko.
Pero isa lang ang alam kong kaya ko.
Kaya kong gawin lahat para sa babaeng mahal ko, masaktan man ako, ok lang, makita ko lang siyang masaya.
"Sushi!" Sigaw niya.
"Ang saya mo ata ngayon ah?" Tanong ko.
"Naman! Hindi ko kasi sinunod yung suggestion mo, kaya ito, masaya ako."
-_______-
Yung totoo? Nang-aasar ba 'to?
"Pero hindi nga? Bakit ang saya mo ata ngayon?"
"Ano ba yan! Ikaw palagi ang huli sa balita noh?"
"Tae! Kung sinasabi mo na kasi sakin ngayon edi sana alam ko na!"
"Wooah! Relax ka lang!" Babatukan ko sana siya kaso naharangan at nailagan niya agad. "Ganito kasi yun, kami na ni Cassey, kahapon lang." Kitang kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya.
"Aminin mo na, kung hindi dahil sa akin hindi kayo ngayon."
"Tsk! Oo na! Kami na dahil sayo! Salamat brad ah!" Mukhang napilitan pa.
"Anong salamat? May bayad yan, bilhan mo ko ng bagong damit."
"Grabe ka naman! Parang wala kang pambili ah!"
"Bakit ba? Ikaw pa nagrereklamo? Gusto mong magbreak kayo ngayon na?"
"Niloloko lang naman kita brad. Anong size ng damit mo?"
"Small lang kasya sa macho eh."
"Tsk! Diyan ka na nga, nakadrugs ka ata ngayon eh."
Ayun, umalis na ang mokong. Nabwisit ata sa akin.
Isa - isa ng nagkakaroon ng lovelife ang mga tropa ko. Ako na lang ata ang maiiwan na walang lovelife. Ako kasi ang pinakabata sa kanila kaya natural lang siguro yun?
Pero kasi...
Alam niyo ba yung feeling na yung taong mahal mo may mahal ng iba?
Yung hanggang tingin ka lang sa kanya, hindi mo magawang sabihin na mahal mo siya kasi may tao ng nagsasabi sa kanya na talagang sasaya siya kapag narinig niya yun.
Hindi mo magawang yakapin siya dahil baka matakot siya.
Yung mga simpleng bagay na gusto mong iparating sa kanya na gusto mo siya ay hindi mo magawa dahil natatakot ka na mag-iba ang tingin sayo at maging F.O. pa.
Ang matindi pa nun, ang tingin ng taong mahal mo sayo ay kapatid.
Ang sakit diba? Kung kailan natuto kang magmahal dun naman hindi pwede. Ngayon ko na nararamdaman ang sinasabi nilang MASAKIT.
"Miss three Fried Croissant Doughnut and Caf au Lait."
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school namin para kumain kaso wala akong gana. Kaya ito na lang yung inorder ko. Kape sa tanghalian. Halatang wala sa lugar ah.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...