SUSHI
Bigla tuloy akong napaisip kung tama nga ba ang ginawa kong pag-amin sa kanya?
Aba! Simula kahapon iniiwasan niya ako! Sa tuwing lalapit ako sa kanya, hindi pa ako nagsasalita, sa totoo nga hindi pa ako talagang nakakalapit sa kanya lumalayo na siya.
Tatakbo tapos didiretso sa comfort room. Alam niya kasing hindi ko babalakin na sundan siya dun. Pero kapag hindi ako nakatiis, papasok talaga ako dun.
Wala pang nakakaalam na nagconfess na ako sa kanya. Kahit sila Naoki hindi pa alam.
Okay na rin ang issue tungkol sa pambubully nila kay Nami.
*FLASHBACK*
NAMI
Simula nung nagwalk-out ako noong isang araw, ngayon pa lang ako totally papasok ng klase. Naku, lagot ako nito, ang dami ko ng absent. Cutting pa.
Hindi ko pa alam ang mga bagay bagay dito. Kasi late na rin ako nakapasok. Hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Sushi kahapon. Sa totoo nga lang, hanggang ngayon parang kanina niya lang sinabi sa pandinig ko.
Pagkapasok ko ng room, napansin kong walang nagbubulungan like the usual na nangyayari. Parang normal lang, yung normal na katulad ng unang pasok ko dito.
Walang masama tumingin sakin. Nakakagulat pa nga kasi may nag-good morning uli sa akin kanina. Hindi ko lang masyadong pinansin dahil occupied ang isip ko sa ibang bagay.
Tapos biglang may lumapit sakin at nakakagulat yun.
"Nami, pwede ka ba naming makausap." WTH! Ito ba talaga yung nambubully sakin? Bakit mahinahon ang pananalita niya? Lalo na sakin. Diba palaging galit to?
"Pagod na ako. Tigilan niyo na ako." Sabi ko naman. Baka kasi mamaya patibong lang 'to.
"Nami. SORRY!" Sigaw niya.
"SORRY!" Tumakbo palapit sakin yung mga taong palaging nambubully sakin at isinigaw yan.
Baka naman nananaginip na naman ako? Pwede bang huwag ng magising? Masyadong maganda sa paningin ang mga nangyayari.
Ang hirap paniwalaan.
"Ano na naman ang balak niyo? Kung isa lang to sa mga pakulo niyo, pwes itigil niyo na. Hindi niyo ko mau--" Bigla akong napatigil sa sinabi ko. "Hoy! Tumayo nga kayo diyan!" Paano ba naman bigla silang lumuhod.
"Sorry sa lahat ng nagawa namin Nami. Kung gusto mo gantihan mo na lang kami." Eh? Ready lang? "Dali, ibuhos mo na sa amin tong laman ng timba." Bigla kasi siyang may kinuhang maliit na timba na may lamang tubig sa likod niya.
Kung sakyan ko kaya yung sinasabi niya? Gusto kong makakita ng taong basa. Tutal siya naman may sabi na pwede ko silang gantihan.
Edi kinuha ko yung timba.
"Sigurado ka ba diyan? Tsaka nakakasiguro ba ako na wala kayong pampalit na dala? Gusto ko kasi makita na basang basa kayo maghapon." Tapos nagsmirk ako. Matagal tagal bago sila nakasagot. Mukhang biglaan lang din to dahil nagdalawang isip pa sila.
"O-okay." Nauutal na sabi nila.
"Okay, bago yun pwede pasampal ng isa?" Nagsign pa ako ng isa lang.
"Si-sige." Natatawa ako sa isip ko kasi alam kong takot na takot na yan masampal. Alam ko naman na inaalagaan niya ang mukha niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at itinaas ang kanang kamay ko. Tapos napapikit na rin siya.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...