TAMAKO
Dalawang linggo na.
Hindi pa rin nagkakamalay si Junjun. Ayokong mawalan ng pag-asa dahil alam kong sa akin din magmumula ang lakas niya.
Buti pa sila Yoshio magaling na.
Hindi ko siya iiwan. Kahit na araw-araw pa akong pupunta dito. Hinding hindi ako magsasawa.
"Ate magpahinga ka naman. Ako na muna ang magbabantay sa kanya." Sabi ni Teiji sabay hawak sa balikat ko.
"Hindi. Ayokong umalis sa tabi niya, masama ang kutob ko. Baka biglang balikan siya nila Sir Kenichi." Hinding hindi ako papayag na saktan niya uli si Junichi.
"Ate. Hindi na niya guguluhin si Junichi dahil hindi naman natin nakuha si Grandma." Bigla akong natahimik sa pag-iyak.
Nasayang lang lahat ng pinunta namin.
Hindi namin nakuha si Grandma dahil mas nakafocus kami sa Junichi na duguan.
Planado ang lahat.
Alam kong alam ni Kenichi ang mangyayari kaya niya yun ginawa kay Junichi.
Ang ikinagagalit ko lang.
Balewala ang pagsasakripisyo ni Junichi dahil hindi namin nabawi si Grandma. Ayoko na paggising niya ito agad ang mababalitaan niya.
Malalim ang saksak sa tagiliran ni Junichi at maraming dugo ang nawala sa kanya. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nagkakamalay.
Natatandaan kong may sinasabi siya sakin pero hindi ko marinig dahil hinang hina na siya nung lumapit ako sa kanya.
*KNOCK KNOCK*
Napatingin kami sa kumatok. Masyado akong kabado kaya napatayo pa ako.
Pero....
"Kamusta? Hindi pa rin siya nagkakamalay?" Si Sushi lang pala.
"Nagdala kami ng pagkain baka nagugutom na kayo." Alok ni Koji.
"Sinabi namin kay Naoki at Yuichi na nandito si Junichi pero hindi namin sinabi ang tunay na dahilan. Alam niyo naman kung bakit hindi ba?" Sabi ni Yoshio habang may hawak na apple.
"Mas mabuti kung tayo tayo na lang ang nakakaalam. Para hindi na sila madamay." Sabi ni Teiji at umupo sa tabi ni Yoshio para agawin ang apple. "Para sa amin ito diba? Bakit ikaw ang kakain?" Tanong niya.
"Nagutom ako pagpunta dito eh! Pake mo ba?" Ang ingay talaga kapag nandito si Yoshio.
"Pero alam niyong impossibleng hindi madamay si Naoki dito." Sabi ko na nagpatahimik sa kanila.
"We need to trust in him." Sabi ni Sushi.
Kagaya niya rin si Junjun. Hindi siya basta basta lamang. Marami siyang alam higit sa nalalaman namin.
"Mahirap ng magtiwala." Parehas lang naman sila hindi ba? Nararamdaman kong traydor siya.
"Ate." Tawag ni Teiji.
Nararamdaman niya sigurong tama ang sinasabi ko dahil kahit kailan walang mali sa mga sinabi ko.
TEIJI
Naikuyom ko ang kamao ko.
Anong dapat naming gawin?
Akala ko magiging simple lang ang buhay namin kapag pumayag akong tumira sa mansyon ni Grandma, pero hindi pala.
Ang simpleng pinapangarap ko. Naging magulo.
Mas magulo pa dahil sa mga nalaman ko, namin.
Gusto ko uli magtiwala. Magtiwala sa isang kaibigan. Matapos kong marinig ang sinabi ng Ate ko, nagdalawang isip ako.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...