NAOKI
Sa dinami rami ng problema ko at sa mga nalalaman ko, buti nakukuha ko pang makangiti.
Sa tuwing nakikita ko siya nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil ayokong aminin sa sarili ko. Nasasaktan ako bakit hindi na naman pwede. Nasasaktan ako dahil hindi na muli ako sasaya.
Bakit kailangan siya pa?
Hindi ba pwedeng magmahal ako ng hindi ako iiwan?
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Yeah. I'm fine." Hindi ko siya tiningnan dahil baka tumulo na yung mga luha ko. "Natapos mo na ba yung pinapagawa ni Kuya Junichi?" Tanong ko.
"Oo, ako pa ba?" Tumayo siya. "Hindi ka okay. Halika na sa baba." Bago pa ako makasagot, nahila na niya ako.
Tiningnan ko ang magkahawak naming mga kamay.
'Gusto kong lumaban.'
Sabi ng isip ko.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, ganun din naman ang ginawa niya.
*PINCH*
"Yah! Ang sakit nun ah!" Sigaw ko.
"Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo ko marinig." Talaga? Tinatawag niya ko?
"Oh?" Gulat na tanong ko.
"Tch! Nevermind." Sungit talaga. "Mamaya mo na problemahin kung ano man ang problema mo at ang lungkot mo. Dapat masaya tayo ngayon para kay Sushi." Alam ko naman ang bagay na yun.
"Ayun naman talaga plano ko. Paano ba naman kasi yung isa diyan, hindi pa ako ready hinila na agad ako." Pagrereklamo ko. Moment ko yun eh.
"Tapos ano? Tapos na yung party saka ka dadating?" May point naman siya.
"Minsan talaga may silbi rin yang utak mo ano?" Pang-aasar ko.
"Kesa naman sayo? Palaging lutang." Asar niya pabalik.
"Aba!" Sasapakin ko na sana kaso biglang dumating si Kuya Junichi.
"Tama na yan. Magsisimula na ang party." Waaah! Ang gwapo ni Kuya Junichi! Bagay sa kanya ang white!
Sumunod na lang kami kay Kuya Junichi. Kesa naman mag-asaran lang kami ni Yuichi.
Pagkapunta namin sa venue. Ang dami na agad mga tao. Yung iba kilala ko kasi nakikita ko sila sa company.
Yung iba naman bago sa paningin ko. Baka bagong magiging stockholders ng company namin?
Si Kuya Junichi at Ate Tamako ang MC.
Hindi na ako nakinig sa introduction nila, basta ang alam ko, nagtatawanan sila.
Kahit pilitin ko ang sarili ko sumaya ngayon, hindi ko pa rin magawa.
Gusto kong magtago, gusto kong maglabas ng sama ng loob at isigaw lahat.
Grandma, kung nandito ka lang, panigurado alam ko ang gagawin ko dahil nandyan ka para gabayan ako.
Na saan ka na Grandma?
JUNICHI
Masama ang kutob ko ngayong gabi.
Hindi ko gusto ang simoy ng hangin. Masyadong madilim ang langit, walang bituin. Kahit na ang buwan ay nagtatago at ayaw magpakita.
Hindi ako mapakali. Lahat ng tao sa paligid tinitingnan ko.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...