Unti unti kong minulat ang magaganda kong mata. Pinagmasdan ko yung paligid at nalaman kong nasa clinic ako.
Ano nga bang nangyari? Ah! Naalala ko na, may limang kumag na lumapit sa akin at gustong makipaglaro.
Tapos hanggang sa mangyari ang hindi dapat mangyari, bakit nga ba hindi ako lumaban? Kasi sa mga oras na yun, may lagnat na ako. Buti na lang hindi natuloy yung balak ni baho.
Tapos may dumating para tulungan ako, hanggang sa kung ano-ano na ginawa ko sa limang kumag at nawalan na ako ng malay.
May biglang pumasok sa clinic, kaya napaupo ako para tingnan.
"Gising ka na pala, kamusta pakiramdam mo?"
"Okay naman, medyo masakit lang ulo ko, salamat nga pala sa pagtulong sa akin ah, Ryouta."
Si Ryouta yung tumulong sa akin, siya yung nagpabagsak sa limang kumag. Sana hindi ko na sila makita uli, nasusuka ako sa pagmumukha nila, isama mo pa na mababaho sila.
Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip kung bakit sila nakapasok sa school na 'to. Una sa lahat ng requirements ay kailangan may company kayo ng family mo or kahit share lang sa mga kilalang company.
Lahat ng nag-aaral dito mayaman at kilala sa industriya, Pinas man o ibang bansa. Baka naman kasali sila sa wrestling?
"Nah. Wala yun, lahat naman gagawin ko maligtas ka lang."
"Diba may klase pa tayo? Tara na, alam kong late na tayo pero pwede pa naman sigurong humabol."
"LOL. Hindi na, alam naman ng teacher natin na nandito ka, dapat nga pupunta sila Sushi dito pero hindi sila pinayagan dahil may activity."
"Eh bakit ka nandito?"
"Sabi ko punta lang akong restroom. Tapos na naman ako sa activity at naipasa ko na kaya pwedeng hindi na muna ako bumalik. Binibisita lang kita, 4 hours ka ng tulog at malapit na nga mag-uwian eh."
Kung sa bagay tama siya, freetime nangyari yun at first time nangyari sa akin ang mga ganung eksena.
Sumasakit na talaga ang ulo ko, gusto ko ng umuwi, uminom ng gamot at matulog sa kama ko. Mas kumportable ako doon.
*BLAG*
"Naoki! Are you alright? May masakit ba sayo? Anong ginawa nila? Sinaktan ka ba? Naku huwag silang magpapakita sa akin!" Sigaw ni Yoshio.
Natuwa naman ako sa reaksyon niya, chineck niya pa ako kung talagang wala akong sugat.
Sunod sunod na rin pumasok yung lima. Wala si Yuichi, oo nga pala magkaaway pa rin kami hanggang ngayon.
"Okay lang ako Yoshio, buti na lang dumating agad si Ryouta." Tumingin naman sila kay Ryouta.
"Pre salamat ah." Sabi ni Koji sabay tapik sa balikat ni Ryouta.
"Nah. Wala yun, lahat naman tayo ganun ang gagawin diba?" Sabi naman ni Ryouta sabay ngiti sa akin.
Hindi talaga ako naniniwala sa sinabi ni Yuichi na masamang tao si Ryouta. Hindi lang talaga natin kilala ang mga tao sa paligid natin, maaaring nakikita natin silang masama pero sa iba mabait sila. Hindi kasi pareparehas ang pinapakita natin, nakadepende na lang ang ugali natin sa taong kaharap natin.
Pero may something talaga between them. Bakit parang hindi talaga nila gusto si Ryouta? May nangyari ba dati? Mababago ba ang tingin ko kay Ryouta kapag nalaman ko yun? O pwedeng baguhin ko ang tingin nila kay Ryouta?
"Ano ba kasing ginagawa mo dun? Bakit ka napunta sa gymnasium?" Tanong ni Teiji. Halata mo sa boses niya na nag-aalala siya, pero may part na naiinis siya.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...