T,F 7: Pampers?

47 2 0
                                    

Naoki pretend for 1 day that you are sleeping. Just sleep and sleep and sleep. Don't open your beautiful eyes or else you're dead.

Don't make a move or else you'll face hell. Kahit naman pumikit ako magdamag, feel ko na ang hell!

5:00 in the morning ng magising ako, ay mali! Yung diwa ko lang pala ang gising dahil pikit pa rin ang mga mata ko.

Kahit hindi ko sila imulat ramdam kong nag-aapoy na yung paligid ko. Nag-aapoy sa galit at gustong gusto na akong katayin.

7:00 in the morning, ganito na ako katagal sa kama ko na nagpapanggap na tulog. Hindi naman mahirap, dahil sanay na ako sa ganitong gawain. Ang magpanggap.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagsara nito. Lumabas siya!

Agad akong napabangon na nakapikit sa pagkakahiga ko para huminga ng maluwag.

"Akala ko mamamatay na ako." Sabay hawak sa dibdib ko na kanina pa kabado.

"Yes, you are." Sabi ng boses na nanggagaling sa may pinto.

O-ow! Andito pa pala siya! Ibig sabihin hindi siya lumabas? Naloko niya ako dun ah! Ang dami kasing arte sa katawan ni Naoki ih!

Teka, anong gagawin ko? Babalik ako sa pagtulog? Nakita na niya akong gising kaya bakit pa ako matutulog?

Kung hindi ako matutulog, patay ako! Anong gagawin ko? Tatakbo sa restroom? Para ano? Magdamag ako doon? Hindi naman pwede yun! Hindi ako makakalabas dahil nakaharang siya sa may pintuan. Kung sa may wardrobe ko naman hindi rin pwede dahil walang lock yun! Kung sa veranda mas deads ako! Isang tulak niya lang!

Tinaas ko ang kamay ko sabay turo kay Yuichi.

"Lelelaladiladolaloledidado." Sabay bagsak ng katawan ko sa kama at balik sa tulog.

Heavens door open! Higupin mo na ako at huwag mo na akong ibabalik sa earth!

Sana isipin niyang nananaginip ako dahil yun naman talaga yung plano ko. Huwaaaah! Bakit ko ba ginawa yun? May pang-asar na naman siya sa akin! Tanga mo Naoki!

"Lelelala....ANO? HOY BABAENG PANCAKE HUWAG MO KONG TULUGAN! GUMISING KA NA DIYAN DAHIL MAY TASK TAYO NGAYON!"

Anong task? Papakain mo ako sa mga alagang K9 niyo dito? Papalapa sa alagang tigre ni grandma? Ihahagis sa dagat para pagfiestahan ng mga pating? Katayin at gawing double dead?

"Alululililalo...." OMO! Maniwala ka naman nananaginip lang ako!

"Pagkabilang ko ng 3 at hindi ka pa nakakaayos, lahat ng nasa isip mo gagawin ko." Edward Cullen? Is that you? Vampire siya? OMO! Paano kung sipsipin niya yung dugo ko hanggang sa mawalan ako ng dugo sa katawan? Type O pa naman ako, masarap ang dugo namin! "1......1.1......1.2....." OMG! Nagbibilang talaga siya? "2.....2.5...." Ang bilis ng bilang niya!

"Ang daya mo! Nasa 1.3 pa lang dapat ah!" Agad naman akong napatakip sa bibig ko. TANGA! Nalaman na niyang gising talaga ako!

"Gusto mo talaga ng umagang takbuhan?"

Bago pa umabot ng 3 yung bilang niya ay nagpunta na ako sa restroom. Nakaready na pala yung susuotin ko, siya kaya yung naglagay dito?

Tsaka....bakit?

"Bakit baby bra yung nandito!?" Sigaw ko.

"Reklamo? Yan naman talaga bagay sayo diba? Pancake?"

Arrrrggg! Nakakaasar siya! Anong baby bra? 32-A cup kaya ako! Meron pa rin yun!

"Aish!"

Lumabas ako ng restroom na nakatowel lang at diretsong pumunta sa wardrobe ko para kumuha ng bra. Tutal nakita na niya akong, ahmm-ahem! Basta yun! Saan niya ba kasi nakuha yung baby bra na yun?

◇Together, Forever◇Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon