JUNICHI
----...----
Todo pikit ako ngayon dahil hindi ko alam kung itutuloy ni Tamako ang pagsapak sakin.
Pero ilang segundo na wala pa ring kamao ang dumadapo sa pagmumukha ko.
Maya-maya naman ay naramdaman ko ang mga braso niya sa leeg ko.
"Idiot." Bulong niya.
"Sorry." Sabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko rin siya.
"Alam mo naman pala na ganito kalalim ang problema mo pero ang hilig mo pa rin sarilihin ang lahat." Umiiyak na rin siya.
"Junichi. Kailan pa?" Tanong ni Yoshio.
Dahil nga nakapagdesisyon ako na sabihin sa kanila ang lahat. Pinapunta ko sila dito sa bahay mismo namin. Nandito kami sa library ko.
Hindi namin kasama sila Naoki at Yuichi dahil may gagawin pa daw sila.
"Matagal na." Kapag sinabi kong matagal na ibig sabihin nandito pa si Grandma nun.
"Salamat at sinabi mo samin." Sabi naman ni Koji.
Nagpapasalamat talaga ako at nagkaroon ako ng mga kaibigan na naiintindihan ako kahit na abnormal ako.
"Pero dapat sa susunod magsasabi ka na." Sabi naman ni Sushi.
Sabi ko na nga ba. May alam na siya. Hindi na kasi siya nagulat o nagreact nung sinabi ko sa kanila.
"Kailangan ko ang tulong niyo." Wala na talagang atrasan to. Hindi ko na sariling laban ang lahat.
"Kahit hindi mo sabihin handa naman kami." Sabi ni Teiji. "Wala na rin naman tayong magagawa, feeling ko nga excited na yung isa diyan." Dahan dahan kaming lumingon kay Tamako.
"Yosh! Magpapahuli ba ako?" Sabi ko na eh. Pero malaki ang maitutulong niya.
"Simulan natin sa paghahanap kay Grandma." Suggest ni Yoshio.
"Alam ko na kung na saan si Grandma, ang kailangan lang natin ay kung paano siya makukuha." Sabi ko naman habang nakahawak sa baba ko.
"Hindi natin pwedeng ibigay si Naoki ng ganun na lang. Alam ko na kung bakit tayo pinatawag ni Grandma, dahil alam niyang mangyayari ang lahat ng ito." Sabi naman ni Koji.
"May naisip akong magandang paraan. Pero dapat walang madadamay." Suggest ni Sushi.
"Doon rin ako nahihirapan." Sabi ko naman.
"Ano ba kayo! Parang hindi kayo in! Alam niyo naman siguro magninja ano?" Kakaiba talaga mag-isip ang babaeng to.
"'Wag na kayong umangal. Alam niyo naman na gagawin niyo rin yan." Palibhasa under tong si Teiji sa Ate niya eh!
Napagkasunduan tuloy namin na magkita kita dito sa library mamayang gabi. Oo, mamayang gabi namin gagawin ang plano sa pagkuha kay Grandma.
Tae, maging success kaya?
KENICHI
Nahihirapan ako.
Nahihirapan akong turuan ang isang to.
"Master, paano gamitin ito?" Tanong niya sa akin.
"Isaksak mo sa leeg mo!" Sigaw ko. Suko na ako.
Limang oras na kaming nagtetraining pero walang improvement sa kanya.
Inutusan ko na lang ang butler ko na si Chris. Siya na lang ang magturo sa hukluban na yan.
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...