9: Birthday

35.1K 416 28
                                    

Capítulo 9: Birthday



Dana's POV

Today is my 18th birthday. Mas lalo akong nalulungkot. Hindi ko kasi mapigilang wag isipin sila Ama at Ina. Pangako nila sa akin na pagdating ko sa edad na 18 ipaghahanda nila ako ng isang kasiyahan...

"Ate Dana, sabi ni Mama iimbitahan mo daw mga frienda mo?"~Jessica

Hayy.. Hindi ko nga alam kung iimbitahan ko ba sila. Ayokong maghanda pero mapilit si Mama. Kesyo, pasasalamat daw sa mga kaibigan ko sa panlibre nila sa akin last time.

Bahala na nga.

<3



Bridge University...

"Talaga?" Natuwa naman si Amanda ng imbitahin ko sya. Oo nga. Puro girls lang naman."

"Overnight? Leggo!"

"Hindi pwede."

"Bilis na!"

"Bawal overnight"



Ayan na nga ba ang sinasabi ko.. Pajama party yung concept na ginawa ni Mama.

"Wow! Cool ng bahay nyo." Sabi ni Mia.

Joke ba yun? Ang liit nga ng bahay namin. Ewan ko sa kanila at natuwa sa bahay namin, paranf pangiinsulto lang.

Kasama ko sila Lea, Mia at Amanda. Oo bati na silang tatlo after magsabunutan. Parang mga bata lang. Si Ellah busy daw kaya di nakasama.

Ayun pagulong-gulong sa kama ko! Pinagdugtong nila yung kama ko at ni Jessica.

Noong una wala kaming magawa kundi magpatugtog ng nasa i-pod ni Amanda kaya naglabas ako ng cards. "Poker."

Nakailang oras ata kami sa paglalaro noon hanggang sa naramdaman ko na ang gutom. Nag CR muna si Lea tapos nagpatulong ako sa kanyang bitbitin yung pagkain.

"Eto na ang food!" Puro mga sweets na pwedeng ideep sa chocolate.

"Dito na lang kayo matulog. Malakas na yung ulan. Sabi sa balita Signal number 3 na daw at bumabaha na daw dito sa Manila." Yan yung sinabi kasi sa akin ni Mama. Nasa news daw kanina. Kakailang! Ngayon lang ako magpapaovernight ng kaibigan.

Si Mia nag freak out. Takot na takot. Uuwi daw sya kahit na anong mangyari. Kaya pinadalhan ni Mama ng kapote at bota. Pinahatid na lang dib sya ni Lea sa driver nya kaya kami na lang tatlo yung natira.

Nagbrown out saglit after umalis ni Mia. Nagtakutan kaming tatlo. Si Lea todo makakapit tapos si Amanda todo makatakot. Nakisali nga rin sa amin si Jessica.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na brown-out nagliwanang naman uli. Yun nga lang malakas pa rin yung ulan.

Wala na kaming magawa kaya nakahilata na lang kami sa kama. Si Lea may napagtripan... Yung guitara ko.

"Happy Birthday to you~

Happy birthday to you~

Happy birthday, happy birthday!

Happy birthday to you~" Kanta nya.

"May naisip ako!" Natutuwang bumangon si Amanda. Ang naisip nya pala ay gumawa ng iba't ibang version ng happy birthday song tapos vivideohan namin ang kalokohan namin tapos iuupload sa youtube. Baliw talaga.

May RnB, rap, classic, jazz, folk, pop, rock at kung ano-ano pang klase ng music ginawa nila. Syempre extra lang ako. Nakakahiya kaya tska baka may makakilala sa akin.

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon