sorry sa late update at unedited chap.
Capítulo 40
Jhon's POV
Dana, Dana, Dana, Dana, Dana, Dana, DANA!
Napadilat ako pero hindi ko magawang kumilos. Dana! Si Dana! Naaalala ko pa. Ang sakit, ang baril, ang pagkuha kay Dana. Sht! Sht! Sht!
Biglang may nagsalita. Nagtatanong siya sa tono ng pananalita niya pero hindi ko maintindihan ang salita. Something foreign. Nakita ko siya. Matandang babae. May nagaalalang ekspresyon sa mukha niya. Kinakausap niya ko pero hindi ko maintindihan kaya may iba siyang kinausap. Isang lalaki ang tumabi sa kaniya at tinitingnan ako.
"Are you okay?" Nag-English yung lalaki pero iba yung accent niya kaya hindi ko masigurado kung tama ba yung narinig ko. "You, okay?"
Naintindihan ko na kaya tumango ako. Pinilit kong bumangon kahit masakit yung tagiliran ko.
"No! Do not stand. Lie down." Pinilit nila akong humiga.
"I need to go. I need to go to Leuropia." Pagmamatigas ko.
"but you are hurt. Blood. The stitch!" Nanlalaki yung mata nung lalaki sa pagtingin sa akin. Dumudugo na naman yung tagiliran kong nadaplisan ng bala ng baril. Masakit!
Hindi ko magawang kalabanin sila. Nanghihina na naman ako. Umiikot ang paningin ko. Kailangan ko nang kumilos, kailangan ko ng makaalis. Nasa kapahamakan si Dana. Pero... Nandidilim ang napingin ko.. Wala akong makita.
<3
"DANA!"
Nagising akong hinihingal. Napanaginipan ko na naman yung nangyari ng isang gabi. Tumatakas kami pero nahuli pa rin si Dana. Hindi ko siya naligtas.
Pangalawang araw ko na dito sa bahay ng mag-inang **. Napag-alam ko na nag-aaral pa lang ng medicine ang anak niyang tumulong sa akin. Nakita ako noong matandang babae ng maisipan niyang mangahoy at tinulungan niya ako. Hindi nila ako pinabayaan pero kailangan ko ng makaalis dito. Ayokong madamay pa sila kaya hindi na ako hihiling pang tulungan akong makapunta sa Leuropia.
Gabi na ng maisipan kong umalis. Hindi nila alam dahil mahimbing na ang tulog nila. Sa labas ng bahay nakita ko na nasa loob pa rin ako ng kakahuyan, siguro nasa gubat pa rin ako kung saan nahuli si Dana.
Naglakad-lakad ako hanggang sa marating ko yung highway. Wala man lang dumaraang truck o kotse. Para akong naglalakad sa kalsadang walang patutunguhan pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Inabot na ako ng umaga ng makarating ako sa bayan. Doon, nagtanong tanong ako kung saan ako pwedeng sumakay na makakapaghatid kagad sa akin papuntang Leuropia. Sabi nila, wala raw direct flight papuntang Leuropia. May isang port daw sa east kung saan may byahe ang barko mamayang tanghali.
"Thank you." Pagpapasapamat ko sa wikang Ingles. Hindi kasi sila nakakaintindi ng Filipino o salitang Leuropia.
Mababait naman ang mga tao rito pero hindi mawawala ang hindi nila magandang pagtingin sa akin. Bukod kasi sa warat-warat kong pantalon at maluwag na polong ipinahiram sa akin noong doktor, iika-ika pa ako maglakad dahil sumasakit yung sugat ko sa bawat pag lakad ko. Isa pang matinding pahirap ngayon sa akin ay yung daanang dinadaanan namin. Nakisakay ako sa isang truck na may mga dalang kalakal para i-export sa Leuropia. Malubak ang daanan kaya masyadong nayuyugyog yung katawan ko.
Sht! Hindi dapat mabuksan ang tahi sa tagiliran ko. Kailangan ko pang makarating sa Leuropia at masagip ang prinsesa, si Dana.
"Here. Get down." Sabi nung driver pagkarating namin sa isang port.
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Dla nastolatkówJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?