Capítulo 10: His Here
Roberto's POV
AH! Its good to he in a tropical country.
Pagkalabas ng agkalabas ko pa lang sa airport naramdaman ko na ang init. Akalain mong namiss ko ang bansang ito. Dito ako lumaki at nagkaisip. Dati ayoko ng lugar na ito pero eto ako ngayon galak na galak.
Tinangal ko ang shades ko. Tsk! I hate the attention. Kala mo yung mga tao nakakita ng prinsipe. Hayy.. Magiging prinsipe pa lang naman ako.
"Lord Roberto."
"Mirko!" Si Mirko pala yung nasaharapan ko. "Lumiliit ka ata." Sabay gulo ng natitirang buhok nya.
"Naging binata ka na kaya mas matangkad ka na sa akin." Paglilinaw ni Mirko.
"Ewan! Tara na nga. I think they are not used to look at a handsome face." Makatingin kasi yung tao.
Mirko guide me to his car. Maliit lang pero pede na.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Napansin kong marami na kaming napagusapan pero ala pa rin kami sa pupuntahan namin.
"Malayo pa ba?" Hindi ko na natiis.
"Malapit na."
"Ahh.." Nanahimik na lang ako ng may makitang.. Ohhh.. "Itigil mo ang sasakyan."
"Bakit ho?"
"Basta." Bumaba ako sa kotse. "Text me your address. Susunod na lang ako sayo."
"Tek--"
Hindi ko na sya narinig kasi nakapasok na ako sa isang bar. Ibang klase maaga pa diba? Bakit bukas na ang bar? Hayy.. Ano naman? Basta magpapakasaya muna ako tutal alas kuwatro pa lang naman ng hapon.
"Vodka please!"
<3
Dana's POV
Hindi ko na talaga sya pinansin simula ng birthday ko. One week na nakakalipas simula regaluhan ako noong takas sa mental ng condom! CONDOM?! Sinong matinong lalaki ang magreregalo nun? Anong tingin nya sa akin kaladkaring babae?
"Focus Dana!"
Buti napigilan kong wag umirap sa kanya. Ngayon feeling nya naman professional sya.
"From the start."
Uulit na naman. Sobrang higpit na nyang si Takas sa Mental kung magturo ng gagawin namin. Kanina pa kaya kami practice ng practice ng kanta.
"Ayoko na! Paawat ka naman Jhon." Reklamo ni Darelle.
"Oo nga, oo nga!" Sabi rin ng iba.
"Okay rest muna."
Sa wakas. Nauuhaw na ak--!
"Bawal ang malamig na tubig."
Aba! Hinatak ni Takas sa Mental yung tubig ko. Nakakainis talaga! Parang walang kasalanang ginawa sa akin. Nagpepretend na walang nangyari. Amf!
Makikiinom na nga lang ako kay Lea.
<3
Natapos ang practice ng alas singco. Nakahinga ako ng maluwag. Kung hindi lang dahil sa utang na loob ko kay Lea hindi talaga ako sasali sa ganito.
<3
Half-day lang ang class ni Jessica kaya ako lang magisa uuwi ngayon. Okay lang para makapagmunimuni tska makabili ng orange.
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Novela JuvenilJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?