27: Jealous

24.2K 302 12
                                    

Capítulo 27

Jhon's POV



Si Dana, kayakap si Robert?

Bakit ganun? Magpinsan sila pero kumukulo ang dugo ko sa nakikita ko. Bakit ganun sila magyakapan?!

Hindi ko napigilan ang sarili ko, patakbo kong pinuntahan sila. "Dana." Madiin kong pagtawag. Nagpipigil akong makasakit. Para kasing gusto kong hatakin yung lalaking yun papalayo kay Dana para masapak.

"J-Jhon.." Mukhang nagulat si Dana ng makita ako. Bumitaw naman sya kaagad kay Robert.

Tiningnan ko si Robert. Namumula yung ilong nya pero hindi ko makitang nabigla sya dahil nakita ko silang magkayakap ni Dana. Tiningnan nya rin ako ng ilang segundo. Suminghot muna sya bago ngumiti ng nakakaloko.

"Jhon bakit ka bumalik uli?" Tanong ni Dana kaya napabaling yung tingin ko sa kanya. Mukhang umiyak sya.

"Umiyak ka ba?" Nilapitan ko sya. Hinawakan ko yung pisngi nya pero hinawi nya kaagad yung kamay ko.

"Hindi. Bakit ka ba bumalik?"

"Tara." Isasama ko na sana si Dana ng pigilan ako ni Robert. "Anong problema?"

"Kasama ko si Dana hindi ikaw." Sagot nya sa akin. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng lalaking 'to.



"So?"

"Sa akin sya sasama." Hinila nya pabalik si Dana sa kanya.

"But she's now coming with me." Seryoso kong sabi. Naiinis ako sa tingin nya. Bakit ganun? Parang nakikipagkompetensya pa syang makuha si Dana? Kamag-anak sya ni Dana pero iba ang tingin ko. Parang may gusto sya kay Dana.

"Sasama nga sya sayo ngayon pero sa akin din sya sasama sa huli." Pabulong na nyang sabi yun pero narinig ko. Aalis na sya pero dumili ang paningin ko. Gusto ko syang saktan.

At gagawin ko yun! Hinila ko sya para humarap sa akin saka ko inasita ng kamao ko yung pisngi nya. "Gag* ka ba?!"

"Ikaw ang gag*!"

"Tama na nga yan! Jhon!" Sumingit si Dana sa amin. May warning sa mga tingin nya sa akin. Tinulungan nya rin si Robert na tumayo "Roberto ayos ka lang ba?" Mas nilapitan nya si Robert. Kitang kita ko ang pag-aalala nya. Mas lalong kumukulo yung dugo ko.

"Ano 'to incest?" I said sarcasticlly. Hindi ko mapigilan. Naiinis ako kasi mas pinaboran ni Dana si Robert. At makatingin naman si Robert iba. Ibang iba.

Napatingin kaagad si Dana sa akin. Seryoso yung mukha nya. Lumapit sya sa akin at sa kinagulat ko... Sinampal nya ako.

Hell! Bakit ako?

Sobrang nagiinit ang ulo ko. Hindi ko naman gustong saktan si Dana kahit na sinampal nya ako. Bakit ganun? Mali ba ang magselos lalo nang alam mong may kung ano talaga kay Robert na yan?

Bago pa ako sumabog. Iniabot ko kay Dana yung plastic na may utos ng Mama ni Dana na bilhin tapos ibinigay ko na rin yung cellphone nya. Wala akong sinabi. Nagtitimpi ako.

Umalis ako sa harapan nila na nagtataka kung bakit mas pinaburan nya si Robert? Na bakit affected si Dana noing sinabi kong incest? May namamagitan ba talaga sa kanila? Damn!



My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon