18:Confession

32K 611 22
                                    

Capítulo 18: Confession

Dana's POV

Awww! Ang sakit ng ulo ko.

Ano bang nangyari?

Dahan-dahan kong idiliat ang mata ko at saka bumangon.

Kinusot ko ang mata ko hanggang sa bumulaga sa akin yung mukha ni Niella-- Mama!Tinititigan nya ako na parang may tinatanong. Sa gilid nya nandun si Jessica na nakahalukipkip. Akala mo matanda na.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko habag inaayos yung gulo-gulo ko pang buhok.

Hindi sila sumagot bagkus pareho silang nagtaas ng kilay sa akin. Mag-ina talaga.

Tinakpan ko yung bibig ko para humikab. Aouch! Ang sakit pa rin ng ulo ko.

"Uminom ka ba ng alak?" Usisa ni Mama.

"At bakit lalaki ang naghatid sayo?" Si Jessica naman yun.

Arrghh! Ang aga-aga kinakastigo na ako ng dalawang to.

"Pwedeng paghilamusin nyo muna ako? O kaya naman pagmumugin? Kumukulo na rin ang tiyan ko."

Pareho silang tumango pero hindi nawawala sa mukha nila ang pang-uusig sa akin.

Ano ba ginawa ko?

Para matanggal ang sakit ng ulo ko, iniligo ko na ng malamig na tubig.

Napikit ako sa sandaling maramdaman kong dumampi na yung tubig sa katawan ko....at yun na rin ang nagpabalik ng alaala ko kagabi..



OLG! Anong ginawa ko?!





<3

Kahit Linggo ngayon naisipan kong pumasok. Kunwari may NSTP o kaya naman my club meeting makaalis lang sa bahay. Maski kasi si Mirko, ang aking kunwaring Papa, nakikiusisa rin.

Sino daw yung lalaking naghatid sa akin?

Bakit ako naglasing?

Bakit ganoon ang damit ko?

At bakit hindi ko maalala ang lahat?!

Sinabi ko lang namang hindi ko maalala kasi nakakahiya kung sabihin ko sa kanila.

Naaalala ko ang lahat! Lahat-lahat ng mga pinaggagawa at pinagsasabi ko kay Jhon!

Pano ko na sya haharapin ngayon? Nakakahiya?!

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa gate ng apartment namin ng makita ko sya.

Oo sya! Si Jhon Ybardolaza na nakangiti sa akin.

"Hey!"

"Hi." Tapos nilampasan ko na sya. Ano bang sasabihin ko? Nakakhiya kaya.

"Nakauniform ka.. Papasok ka?"

"..."

"Wala namang pasok ngayon ah. Linggo ngayon. Tska, ala-una na ng hapon."

"..."

"Tara gala tayo."

"Huh?" Nabigla na lang ako ng hinila nya ako. Sa hindi kalayuan nandun yung sasakyan nya at doon kami sumakay papuntang...



Mall?

"Bakit tayo nasa mall?" Tanong ko na hindi naman nya sinagot.

Sinundan ko sya. Tutal nasa mall na ako at wala akong idea pano umuwi dahil.. Saang mall ba ito? Malayo-layo itong pinuntahan namin.

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon